Aljur Abrenica on getting a second chance in GMA: "Wala namang successful na tao na hindi nagkamali."

Kapuso actor Aljur Abrenica says he is satisfied with his acting despite criticisms. "Ang masasabi ko lang, I've been doing my best since I started," he adds.


Masaya si Aljur Abrenica na nakabalik na siya sa GMA Network pagkatapos ng kontrobersiyang kinasangkutan niya noong 2014.

Matatandaang sinampahan ng kaso ni Aljur ang kanyang home network upang ipawalang-bisa ang kontrata niya rito.

Read: Aljur Abrenica decision to rescind GMA contract partly caused by alleged 'gross mismanagement' of GMA Artist Center

Read: Aljur Abrenica on legal battle with GMA: 'I won't say it's totally fixed. But the results are positive.'

Ano ang pakiramdam niyang nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon?

Sagot ng 26-year-old actor, “I feel on track.

“At bawat blessings na dumarating sa atin, biyaya, inaalagaan na natin.

“Before kasi hindi ko na alam ang nangyayari. Andun tayo pero hindi ko na alam ang nangyayari.

“This time, mas nag-mature tayo, mas lumawak yung kaalaman natin, yung awareness natin sa bawat pagpasok ng mga biyaya or pagsubok sa buhay natin.

“One step at a time. Slowly lang. Inaaral lang.

“Ngayon, mas alam ko na kung paano i-handle yung mga dumarating sa buhay natin: endorsements, proyekto.

“At natutunan ko rin na magsalita ka.

“Mali man ‘yan o tama sa paningin ng iba, ang sinasbi ng puso mo, kailangan mong gawin, gawin mo ‘yan.

“Magkamali ka man, parte ng buhay ‘yan.

“Wala namang successful na tao na hindi nagkamali.

“Lahat ng mga nasa itaas, lahat ng nakakatulong na tao ngayon, sila rin mismo ang nagbagsak sa sarili nila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa birthday charity event niya, sa tulong ng GMA Artist Center, na ginanap sa Baseco Compound nitong Martes, March 29.

INDIE FILMS. Focused ngayon sa paggawa ng indie films si Aljur.

Sa katunayan, apat na indie films ang nagawa na ng Kapuso actor: ExpressWay, Hermano Puli, Edsa, at Mabalasik.

Sa kabila nito, may mga kritiko na pinupuna kadalasan ang kanyang pag-arte.

Sa palagay ba niya ay naging mas mahusay siyang aktor dahil sa sunud-sunod na indie films niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Aljur, “I can’t say I’m a better actor now.

“Ang masasabi ko lang, I’ve been doing my best since I started.

“What I can say is I’m in a better place right now.

“Kung anuman yung ginagawa ko since the start, yun pa rin at yun pa rin ang ginagawa ko.

“It’s just that may mga tao na gumagabay sa atin, may mga tao na nagmamahal sa atin, mas bukas na tayo ngayon.” 

May nararamdaman ba siyang pressure na siya ang lead actor sa historical film na Hermano Puli.

Sagot niya, “There’s no pressure. Wala akong nararamdaman [pressure] sa mga ginawa ko ngayon.

“For me, as long as I’ve done my best and I really immersed to the character, and kung anuman ang magagawa ko para makatulong sa team, I’ve done enough para sa pelikulang ito.

“Wala akong iniisip kung kikita man siya o hindi.

“Basta ako, gagawin ko lang yung mga bagay na makakatulong sa pelikula, sa produksiyon, masaya na ako dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN