James Yap and Michela Cazzola expecting a baby boy

Lalaki ang magiging anak ng basketbolistang si James Yap sa Italian girlfriend nitong si Michela Cazzola. Ito na ang pangatlong anak ni James.


Lalaki ang magiging anak ni James Yap sa Italian partner nitong si Michela Cazzola.

Ito ang rebelasyon ng basketbolista sa batikang manunulat na si Ricky Lo sa Funfare column nito sa Philippine Star ngayong Miyerkules, March 30.

Ayon pa kay James, ito na ang pangalawang ultrasound ng girlfriend niya.

Noong una raw kasi ay hindi ma-detect ang gender ng kanilang baby dahil nakatagilid ito.

Nakatakdang magsilang si Michela sa katapusan ng Hulyo o sa mga unang linggo ng Agosto ngayong taon.

Sabi ni Michela, “We have several names in mind for the baby but we haven’t chosen which one yet.”

Ito na ang magiging pangatlong anak ni James.

Ang una ay sa dati niyang non-showbiz girlfriend, at ang pangalawa ay si James "Bimby" Aquino Yap na anak niya sa dating asawang si Kris Aquino.

Plano naman daw magpakasal nina James at Michela, pero saka na raw kapag malaki na ang kanilang magiging anak at puwede na itong maging ring bearer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN