PEP EXCLUSIVE. Ian de Leon recounts his rescue of a child hit by motorcycle

In an exclusive interview with PEP, actor Ian de Leon gives details on how he rescued a 10-year-old boy who was hit by a motorcycle in Parañaque last March 21.


Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ng aktor na si Ian de Leon ang ginawa niyang pagtulong sa isang batang nasagasaan ng motorsiklo.

Nalaman ng publiko ang ginawang pagtulong ni Ian nang manawagan ang ina ng bata na si Kristine Madrigal Sarmiento sa Facebook upang mahanap ang aktor at pasalamatan sa pagtulong nito sa kanyang anak.

Read: Ian de Leon rescues child hit by a motorcycle: 'Kahit sino ang nasa lugar ko, gagawin rin ang nagawa ko.'

Ayon sa kuwento ni Ian, noong March 21 ng gabi, Lunes, ay nasa pizza restaurant siya sa isang subdivision sa Parañaque City para bumili ng pagkain.

Dapat daw sana ay o-order lang siya ng dinner at ipapa-deliver na lamang niya iyon sa bahay nila sa Parañaque rin.

“Pero wala pang rider, so forty-five minutes to one hour. Sabi ko, ‘Sige, okay.’

“Tapos paalis na ako, tapos nag-decide ako, ‘Hintayin ko na lang kaya, siguro mas mabilis.’

“Tinanong ko, ‘Ate, ilang minutes pag hinintay ko?’

“‘Twenty minutes.’ ‘A, hintayin ko na lang.’

“So, naupo ako sa kotse, nakinig ako ng radio…

“Wala kong dalang phone kasi o-order lang sana ako, uuwi ako, iyon ang plano.

“Tapos, tantiya ko five minutes, biglang ‘Bam!’

“Ang lakas!”

Pagkatapos daw ay nakarinig siya ng tunog na parang kinakaladkad na bakal.

Patuloy na kuwento ni Ian, “Paglingon ko, gumugulong pa yung tao, e, yung naka-motor. Yung motor niya nag-i-slide.

“Tapos, mga five seconds, nakarinig na ako ng sigaw ng bata.

“Sigaw na nasasaktan, na ‘Mommy! Mommy!’

“Nakita ko, ang daming tao. Nag-trapik na agad, ang dami kasing kotse dito sa Aguirre.

“Tapos pinagmamasdan ko pa kung anong nangyari, tapos sigaw nang sigaw [yung bata].

“Tapos yung mga tao, nakatayo lang!

“Kaya tinakbo ko na, sabi ko, ‘Bakit walang tumutulong dito?’”

Medyo malayo raw ang tinakbo ni Ian para marating ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis daw ang takbo ng motorsiklo kaya malayo ang tinalsikan ng batang nabangga.

“Mabilis siya, mabilis siya.”

Nang nakita raw niya ang batang nabangga ay na-shock si Ian.

“Talagang sobrang… naisip ko yung anak ko.”

May isang anak na lalaki si Ian at ang misis nitong si Jennifer, si Jaden, na limang buwan pa lamang.

Nakausap ng PEP si Ian sa bahay ng kanyang ate na si Lotlot de Leon sa Parañaque City kahapon, March 29.

THE RESCUE. Pagpapatuloy na kuwento ni Ian tungkol sa aksidente, “Pagkita ko, nakaupo yung bata sa dugo niya. Nakasandal siya sa bisikleta niya.

“Tapos nakita ko yung dito niya [binti], alam mo yung pag hiniwa?

“Yung buong calf niya, nakabukas, so exposed yung laman.

“Tapos yung buto niya, nakaganun [nakalitaw].

“Gusto niyang tingnan, sabi ko, ‘Huwag mong tingnan, anak!’

“‘Anak’ ako nang ‘anak’ sa kanya.

“Tapos may dumating na familiar na BF security, rumesponde.

“Sabi ko, ‘Kuya, wala bang ambulansiya diyan, wala bang patrol?’

“‘Wala, Sir, pero pinatawag na.’

“’A, matagal pa yun, manggagaling pa yun sa Phase 1, traffic pa. E, hindi, kunin ko na.’

“Pero bago ko binuhat [yung bata], tiningnan ko muna kung bali ito, kung balit ito o dito sa spine.

“Kasi mamaya baka pagbuhat ko, lumala.”

Tinanong din daw ni Ian ang bata, na nagngangalang Ethan, kung may masakit sa mga buto nito o ulo.

“Hindi naman daw, ito lang talaga yung legs niya ang nadale.

“Paglingon ko, yung naka-motor, e, ang layo ng pinag-slide-an niya, nakita ko, itinayo yung motor niya, ini-start!”

Kaya tinawag daw agad ni Ian ang isa sa mga rumespondeng BF security.

“‘Kuya, harangan mo ‘yan, harangan mo ‘yan!’

“Takbo si Kuya, yung BF security… alam niya kung sino siya, thank you rin sa kanya.

“Tapos, sabi ko, ‘Kuya, kunin mo yung lisensiya niya, yung detalye niya, itatakbo ko na ito sa ospital. Dito kami sa Las Piñas Doctors.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos sabi ko sa security guard ng Robinson’s, ‘Kuya, kayo na muna ang magtago ng bike diyan.’

“Dahil wala ngang nag-aasikaso dito sa bata.

“‘Ano ba kayo?!’ Yung mga iba, nagbi-video pa!

“Pagbuhat ko, e, bukas yung dito niya, butas yun, pagbuhat ko umano pa, nag-flow pa yung blood niya.

“Pagdating ko sa Shakey’s, dun ako nakaparada, yung guwardiya dun tinulungan ako.

“Kumuha ako ng tuwalya, itinali ko para mag-stop yung flow ng blood.

“Kasi parang shocked siya [Ethan] tapos parang nahihilu-hilo siya.

“Tapos tiningnan ko ulit kung meron siyang dugo sa ulo, wala naman, iyon ang importante.”

ON THE WAY TO THE HOSPITAL. At dinala na nga ni Ian ang bata sa Las Piñas Doctors Hospital.

“Along the way, e, ang traffic, kinakausap ko yung bata, ‘Anong pangalan mo, ilang taon ka na?’

“Nagkuwentuhan kami, buti conscious siya.”

Habang papunta sa ospital ay kinontak nila ang ina ni Ethan na si Kristine.

“Tinawagan namin along the way, buti may dala siyang cell phone. Pinatawag ko siya, ‘Tawagan mo ang parents mo.’

“Tapos, nakakatawa pa, yung naka-motor, nung bago ko dalhin sa ospital yung bata, pinalapit siya sa bata, sabi niya, ‘Sorry, sorry. Ikaw kasi, bakit ka nag-swerve?’

“Sabi ko, ‘Kuya, unang-una, mag-swerve man ‘yan o hindi, responsibilidad mo bilang motorista na magdahan-dahan sa forty kilometers per hour diyan.”

Mabilis daw nga kasi ang takbo ng motor.

“Tamaan man niya kung mabagl siya, hindi mahihiwa yung binti nung bata.

“‘Sabi ko, ‘Sino ginago mo? Nakakainit ka ng ulo, a! Mga perhuwisyo kayo sa kalye, hindi kayo nag-iingat!’

“Nakangisi pa, ha, ‘Sorry, sorry!’

“Na parang, 'Ganun-ganun lang? Tatakas ka pa?'”

SCENE AT THE HOSPITAL. Hindi na raw alam ni Ian kung saan dinala ang nakaaksidente kay Ethan dahil ang focus nga niya ay dalhin sa ospital ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw muna siya umalis sa ospital at hinintay niyang dumating ang ina nitong galing sa trabaho.

Nagkita na pala sila, bakit hinanap pa siya ng ina ni Ethan sa FB?

Ayon kay Ian, “E, siyempre ang focus niya habang nandun kami, yung sa anak niya.

“Pero nagkita kami. Siguro halos two hours ako dun sa ospital.

“Nagkuwentuhan pa kami ni Ethan. Sabi niya, ‘Kuya, masakit ba ang injection?’

“Sabi ko, ‘Ito naman, tingnan mo naman yung nangyari sa iyo, injection ka pa matatakot? Basta huwag mong aalalahanin, magiging okay ka.’

“Tapos nagkuwentuhan din kami nung nanay about sa nangyari.”

Hindi nga raw agad nakilala ni Kristine na si Ian de Leon ang nagdala sa anak niya sa ospital dahil shocked ito sa aksidenteng sinapit ng anak.

And as of last night na kausap namin si Ian ay hindi pa sila muling nagkikita ni Kristine.

“Pero nag-usap kami sa phone,” banggit ng aktor.

Nakontak daw siya ng ina ni Ethan sa pamamagitan ng columnist/TV host na si Aster Amoyo.

“Ayun, nagte-thank you, ganyan-ganyan, tapos kinumusta ko rin si Ethan.

“Yung time na nag-usap kami, under observation pa raw.

“Kasi titingnan nila kung tama yung paghi-heal ng mga yun sa ligaments niya, yung muscle niya, yung skin tissues niya, yung bones.

“Kasi na-fracture talaga yung foot [at leg] niya.”

A HERO. Pag-uwi ni Ian pagkagaling sa ospital ay duguan din ang aktor at ang kotse niya dahil nga sa pagbuhat niya at pagdadala kay Ethan sa ospital.

Pagkahatid niya sa ospital sa bata, ano ang naramadaman ni Ian nang pauwi na siya?

Sagot niya, “Nanginig ako! Nanginginig ako habang nagmamaneho ako pauwi.

“Kasi puwedeng anak ko, puwedeng kapatid ko.”

Dahil sa ginawa niyang kabayanihan ay inuulan ngayon ng papuri si Ian.

Pero aniya, “Ginawa ko lang yung dapat kong gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At siguro raw ay nasa tamang lugar siya sa tamang oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN