Princess Punzalan returns to ABS-CBN after 15 years

Princess Punzalan says she does not intend to leave showbiz permanently. "I really wanted my family work or my marriage work. So, kailangang maging priority 'yon para sa akin."


Pagkatapos ng halos 15 taon, muling nagbabalik sa paggawa ng teleserye sa bakuran ng ABS-CBN ang aktres na si Princess Punzalan.

Nag-migrate na si Princess sa Amerika ngunit panaka-naka ay lumalabas siya sa ilang TV shows kapag umuuwi siya ng Pilipinas, kabilang na ang pagge-guest niya sa afternoon soap ng GMA Network na Yagit noong 2015.

Ngunit ngayon ay sa ABS-CBN naman niya napiling lumabas sa pamamagitan ng primetime series na The Story of Us, na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Ayon sa aktres, na-miss niya ang pag-arte at gusto niya ng bagong challenge kaya tinanggap niya ang role ng ina ng karakter ni Bryan Santos.

Lahad ni Princess, “Noong ipinadala sa akin yung character sketch, talagang na-excite ako.

“Unang-una, na-miss ko talagang makatrabaho ang ABS-CBN.

“Naisip ko rin na medyo matagal na nga, it's been more than 15 years.

“Since naging very iconic ang role ni Selina, I wanted to do something else na drama.

“Medyo may pagkakontrabida, pero ibang take naman; yun ang challenge for me.”

Selina ang pangalan ng karakter na ginampanan noon ni Princess sa teleseryeng Mula sa Puso (1997), na pinagbidahan din ni Claudine Barretto at ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Nakausap ng ilang piling reporters si Princess sa pocket press conference na inihanda ng Star Creatives para sa kanya kahapon, March 29.

PRINCESS'S PASSION. Ayon pa kay Princess, na-excite din siya sa bagong offer ng ABS-CBN dahil muli niyang mababalikan ang una niyang hilig gawin.

Sa katunayan, hindi raw siya nakaramdam ng paninibago sa pag-arte bilang kontrabida.

“Hindi naman ako nanibago. Parang feeling ko nga na nalagay na ako sa ganung lugar.

“Parang ini-expect na ng mga tao na laging villain ako, laging mataray, so hindi na ako nanibago.”

Dagdag pa ng nagbabalik na aktres, “Since acting is really my first love, kapag alam kong tatakbo ang camera at mayroon akong dapat gawin, excited ako, kahit wala kang tulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinukuwento ko nga sa asawa ko, iba talaga when you're passionate about something.

“It doesn't matter kung wala kang tulog or minsan libre. Yun talagang, 'Yes, I really want to do this.'

"If I really want a project, gagawin ko talaga.”

Hindi pa matiyak ni Princess kung gaano siya katagal mananatili sa bansa. Pero malamang daw ay matagal-tagal pa dahil sa kontrabida role niya sa The Story of Us.

Naalala n'yo pa ba ang tawang ito ni Princess Punzalan?

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

WHY SHE LEFT. Nilinaw naman ni Princess na bagamat mahal niya ang pag-arte, kinailangan niyang lisanin ito upang bigyang prayoridad ang kanyang buhay may-asawa.

Diin niya, “Hindi ko iniwanan ang showbiz permanently.

I knew for a fact that there are times and seasons for our lives.

Hindi naman araw-araw tag-ulan o araw-araw tag-init. May mga seasons na pinagdadaanan ang buhay natin.

It just so happened na bagong kasal ako ng mga panahong iyon and I really wanted my family work or my marriage work.

"So, kailangang maging priority yun para sa akin.”

Patuloy ni Princess, “I felt it was a good step na iwan muna ang lahat ng ito at mag-concentrate sa buhay may-asawa.

“Kung saan walang nakikialam masyado sa buhay ninyo kundi kayong dalawa lang.

Wala kang ibang kausap kundi siya, wala akong ibang pinagsisilbihan kundi siya.”

JOINT DECISION. Dahil may pamilya na ngayon si Princess, hindi na raw puwedeng ang agad-agad na desisyon, lalo na kung tungkol ito sa paggawa ng isang acting project bukod sa teleserye.

“Before I make any decision, kakausapin ko muna ang asawa ko, titingnan ko muna ang time frame.

Kasi ngayon, kapag gumagawa ako ng desisyon, hindi na lang sarili ko ang iniisip ko, e.

"Kasi nandiyan ang asawa ko, may anak ako, tapos I'm answerable also to my boss.

Maraming kailangang i-consider. So, hindi ako puwedeng basta-basta na oo o hindi.

“Kung maganda siguro ang role o project, why not?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN