Maine Mendoza denies Alden Richards visited her in Bulacan

Maine Mendoza on AlDub fans hoping her relationship with Alden Richards is for real: "Ay, yun lang, kaya sila minsan medyo naho-hopia sila. Pero darating at darating din naman kung yun talaga ang nasa plano ni God. Hintay na lang tayo."


“Very close friends” ang description na ibinigay ni Maine Mendoza nang tanungin kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Alden Richards.

Sabi ng phenomenal star, “Honestly, very close friends na kami ni Alden ngayon.

“And happy ako kasi taking things slow and hindi rin naman puwedeng madaliin ang mga bagay-bagay.

“We’re very good friends, walang halong ka-showbiz-an.”

Pero ano ang masasabi ni Maine sa mga fans nila ni Alden na naniniwala o umaasang sila na talaga sa totoong buhay?

“Ay, yun lang, kaya sila minsan medyo naho-hopia sila.

“Pero darating at darating din naman kung yun talaga ang nasa plano ni God.

“Hintay na lang tayo,” saad niya.

Itinanggi rin ni Maine ang balitang dumadalaw na diumano si Alden sa bahay nila sa Bulacan.

Sa Laguna nakatira si Alden kaya masasabing malaking effort talaga para sa aktor kung totoo nga ang kumakalat na balita.

Pero ani Maine, “Wala pong katotohanan. Ang mga ganung balita ay pawang kathang-isip lamang.”

At saka nito ipinasa ang tanong kay Alden, na katabi niya habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ikaw na nga ang sumagot, Alden. Nakorner ako, e!”

Sabi naman ni Alden, “Yung mga labas-labas namin, like yung nag-Boracay kami, things like that, kami na lang muna.”

Pero itinanggi ng Kapuso heartthrob na dumalaw siya kay Maine sa bahay nito sa Bulacan bago siya nagpunta ng Canada.

ANNIVERSARY GIFT. Samantala, hindi pa makapagbigay ng ibang detalye sina Maine at Alden tungkol sa gagawin nilang proyekto para sa kanilang unang anibersaryo bilang magka-love team sa July.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza to launch new project in July

Sabi lang ni Maine, “Para po ito sa Aldub Nation at tiyak na matutuwa sila sa surprise namin.”

Kailan nila sisimulan ni Alden ang sorpresa nilang ito?

Tugon niya, “Wala pa pong exact date, pero mid-April po yata, yun ang sabi nila. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully by July matapos na, magandang anniversary gift din.”

Si Mike Tuviera ba ang direktor nila?

“Secret!” natawang sabi ni Maine.

Pero kahit hindi pa iniri-reveal nina Maine at Alden kung ano ang sorpresa nila sa AlDub fans, marami ang naniniwalang ito ang unang pelikulang pagbibidahan nilang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN