Alden Richards dismisses rivalry with Daniel Padilla over same endorsement

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si Alden Richards sa tuwing dinudumog ng mga tao ang mall shows niya at kahit na ang concerts niya dito at sa abroad.


Halatang ayaw i-entertain ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang nasilip na posibleng kumpetisyon sa pagitan nila ng Teen King na si Daniel Padilla.

Pareho na kasi sila ngayong endorsers ng isang grooming product ng Bench.

Ayon kay Alden, masaya lang siyang bahagi na rin siya ng Bench family.

“Siyempre happy po, kasi ibang variants naman po ng Clay-Doh ‘to. 

“Yung kay Daniel po, yung Clay-Doh, sa amin po yung light. 

“So, happy po kasi na-consider po kami ni Sir Ben [Chan] to endorse.”

Nilinaw naman ng Kapuso matinee idol na hindi clothing apparel ang ini-endorse niya para sa Bench.

“So far po kasi, hindi po, kasi, may Boardwalk din naman po ako. At nag-extend din po ang contract ko sa Boardwalk. 

“Kasi since beginning naman po, si Boardwalk na rin po ang nagtiwala sa akin.

“Nag-extend po sila agad kaya baka medyo matagal pa rin po,” sabi niya.

FULL SUPPORT. Masaya rin si Alden na patuloy pa rin ang pagsuporta ng AlDub Nation sa kanilang dalawa ni Maine Mendoza.

Patunay nito ang pagdagsa ng mga tao sa Activity Center ng TriNoMa Mall para sa meet-and-greet nila ni Maine kahapon, March 30.

Pahayag ni Alden, “Sobrang saya po, ang daming nagpuntang tao.

“Hindi ko po in-expect na ganun ang reception.”

Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya makapaniwala sa tuwing dinudumog ng mga tao ang mall shows niya at kahit na ang concerts niya dito at sa abroad?

Sagot ng Kapuso actor, “Opo naman at saka first time ko pong mag-solo concert talaga, lalo na sa ibang bansa.

“Kaya sobrang nakakatuwa po talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN