Kyla responds to bashers: "Words can never hurt me."

"Words can never hurt me. Good luck to all the haters trying to ruin my day," says Kyla to her haters.


Nagpasaring ang singer na si Kyla sa mga basher na nanggugulo sa kanyang Twitter account kagabi, March 30.

Sa kanyang post, kung saan nagpasalamat siya sa host ng Tonight With Boy Abunda, ilang Twitter trolls ang tumitira sa singer at iniuugnay siya sa tumatakbong alkalde ng Makati City na si Kid Peña.

Mapapansin na ang mga troll na ito ay supporter ng vice president at presidential candidate na si Jejomar Binay.

Dahil dito, hindi naiwasan ni Kyla na sumagot at sinabing: “Good luck to all the haters trying to ruin my day.”

Ayon kay Kyla, na-block na rin niya ang mga Twitter users na nanggugulo sa kanya.



Samantala, sa pamamagitan ng text message sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pinabulaanan ng Cornerstone Entertainment Inc., talent management ni Kyla, na hindi iniendorso ng singer ang aspiring mayor ng Makati City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN