Cristine Reyes hounded by past row with sister Ara Mina in Vivian Velez controversy

Maraming netizens ang hati sa kanilang pinaniniwalaan sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Cristine Reyes laban sa kasamahan nito dati sa Tubig at Langis na si Vivian Velez. Opinyon nila, may record na ang Kapamilya at Viva star ng pang-aaway kaya nanimbang pa rin sila sa kanyang nailabas na pahayag.

 


Sa alitan nina Cristine Reyes at Vivian Velez, hati ang opinyon ng netizens.

May mga naniwala kay Vivian at may naniwala rin kay Cristine.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes breaks silence on issue with Tubig at Langis co-star Vivian Velez

Maraming komento ang nagsasabing may history na raw si Cristine na nang-away o nambastos ng ibang artista o nakatatanda sa kanya.

Halimbawa nga raw ay ang mainit na awayan nila noon ng kanyang ate na si Ara Mina na humantong pa sa demandahan.

Read: Ara Mina files libel charge against sister Cristine Reyes

May mga balita pang na-trauma raw ang kanilang kapatid na may special needs dahil sa away naman ni Cristine at ng kanyang ina.

Kaya naman diretsang tinanong ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) si Cristine kung ano ang reaksiyon niya na hindi pa rin nakakalimutan ng mga tao ang mga nakaraan niyang pakikipag-away diumano.

Saad ng Kapamilya actress, “Yeah, as much as possible ano, e, hindi natin maiiwasan na ang mga tao ay maghuhukay ng past.

“Pero, for me, hindi ko na yun kontrolado.

“So, kung may masasabi silang hindi maganda about me, I guess, it’s part of my job because artista kami.

“Talagang nakikita nila lahat,

“May ganun talagang mga tao, di ba? Even in Hollywood, di ba?

“Kahit hindi naman nila kilala ang mga celebrities in real life, they judge.

“I guess, inisip ko na lang na part of the job ‘to.”

Nauna na ring inamin ng Kapamilya actress na na-trauma siya sa naging alitan nila ni Vivian.

Read: Cristine Reyes traumatized by controversy with Vivian Velez

Nakausap ng PEP at iba pang media si Cristine sa presscon ng bago nitong pelikulang Elemento, sa isang restaurant sa Metrowalk, Ortigas, Pasig City, ngayong Biyernes, April 1.

SUPPORTIVE SISTER AND HUSBAND. Pero ngayon, naiba na ang ihip ng hangin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago pa man naglabas si Cristine ng kanyang official statement, ang kanyang Ate Ara muna ang nagbigay ng pahayag sa media tungkol naman sa panig ni Cristine sa alitan nila ng beteranang aktres.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes hopes to 'clear the air' with Vivian Velez, says Ara Mina

Ramdam daw ni Cristine na naiinis ang kapatid sa kanya dahil ito ang kinukulit ng media.

“Inis na inis nga, e, sa akin," pagbibiro niyang sabi.

Tsaka ito nagpahiwatig ng pasasalamat.

“Thankful ako kay ate, even though hindi kami madalas magkita, lagi lang kani nag-Viber sa isa’t  isa, naramdaman ko siya.”

Ganuon din daw ang kanyang asawa, si Ali Khatibi na hindi bumitaw sa kanya, “Very supportive, and hindi niya talaga  ako binitiwan and andiyan lang siya sa tabi ko.”

VIVIAN, NO COMMENT. Hiningan namin ng reaksiyon si Vivian sa mga pahayag na ito ni Cristine.

Pero ayaw raw muna niyang magsalita.

Ayaw rin daw niyang magamit sa promo ng Elemento na ipapalabas sa April 6, eksaktong isang buwan pagkatapos mag-post ng veteran star sa kanyang Facebook ng kanyang resignation.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN