Nadine Samonte hospitalized due to pregnancy problem

Nadine Samonte, who is 13 weeks pregnant, was hospitalized. However, she didn't give any detail about her confinement. She remains positive though, and prays that she and her baby will overcome this.


Nag-post ang aktres na si Nadine Samonte sa Instagram kung saan makikita siyang nakaupo sa hospital bed.

Walang detalyeng binanggit si Nadine, pero base sa caption ng kanyang post, may kinalaman ito sa kanyang pagbubuntis.

Thirteen weeks or higit sa tatlong buwang buntis ang aktres sa kanyang asawang si Richard Chua.

Caption ni Nadine, nananatili siyang positibo na magiging mabuti ng kalagayan niya at ng kanyang dinadala.

“I know God will guide me and our little baby i just have to be positive and have faith in him all the time i hope after this everything will be okay.

“Lord wag nyo po kami pababayaan ni baby pls wrap your arms around our little angel? #Godisgood #bepositive”

Bumuhos naman ang suporta at pag-aalala kay Nadine sa comments.

Pinaalalahanan itong huwag magpadala sa stress at magkaroon ng sapat na pahinga.

May mga netizen ang nagtanong kung ano ang nangyari pero hindi sumagot si Nadine, pero nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagpaabot ng suporta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN