Teddyboy Locsin calls Matteo Guidicelli's Italian portrayal "pathetic"

Lawyer and commentator Teddyboy Locsin Jr. gets bashed for criticizing Matteo Guidicelli's Italian accent in Dolce Amore.


Sumagot si Matteo Guidicelli sa pagpuna sa kanya ng abogado at komentaristang si Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr.

Sa pamamagitan ng Twitter, pinuna ng abogado si Matteo noong March 30 sa pagganap ng aktor bilang Italian na si Giancarlo sa ABS-CBN primetime teleseryeng Dolce Amore.

Tinawag ni Teddyboy na “pathetic” ang acting ni Matteo bilang Italyano at ikinumpara pa ang show sa Pangako Sa 'Yo.

Pinansin din niya ang itsura ni Matteo sa serye, lalo na ang buhok ng binata.

Sumagot naman dito si Matteo at nagpasalamat sa pagkritiko sa kanya ni Teddy. Aniya, tatandaan niya ng sinabi ng abogado.

“I like pretending I'm Italian,” sundot pa ni Matteo.

Puna at payo pa nni Teddyboy, ayusin ni Matteo ang accent kapag nagsasalita ng wikang Italian.

Nagpasalamat si Matteo at sinabi pa niyang idol niya si Teddyboy.

Samantala, binatikos naman ng mga tagasuporta ni Matteo si Teddyboy.

Ipinagtanggol nila si Matteo at sinabing half-Italian ang ABS-CBN actor dahil Italian ang ama nito.

Sinabi ni Teddyboy na maayos naman ang pag-arte ni Matteo, pero hindi ang accent nito bilang Italian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN