Cherry Pie Picache to JaDine: "Take it slow...mga bata pa kayo, huwag masyadong magmadali."

Cherry Pie Picache: "I don't think I'm an authority kung nakatulong ba sa kanila o hindi. All I know is masaya sila… Pero sana yung medyo disiplina, yung hinay-hinay, yung control."


Isa si Cherry Pie Picache sa mga natutuwa sa magandang nangyayari sa love team nina James Reid at Nadine Lustre, maging sa takbo ng relasyon ng dalawa.

Nakasama ni Cherry Pie ang magkasintahan sa nagwakas nang serye, ang On The Wings Of Love sa ABS-CBN.

Saad pa ni Cherry tungkol sa concert tour ng JaDine, “Bongga, the tour that they’re making I’m very excited for them. 

“You know even when they left, masayang-masaya na ako sa dalawa kasi nga, ‘di ba?

“Ang sarap, they’ll be able to enjoy work, and [have] time being alone at hindi na yung nagtatago, I’m very happy.”

Nakapanayam nang PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherry Pie sa  Gloria Maris Resto sa Gateway Mall sa naganap na pinakahuling presscon ng lalabas nilang pelikula ni Nora Aunor at Angelica Panganiban, ang Whistle Blower.

Kahit nga raw siya ay hindi makapaniwala noong una na magkakatuluyan ang dalawa. 

Ayon pa sa kanya, “I know they’ve very close, I know they’re friends, pero towards the end na lang namin naramdaman… yung noong parang hindi.”

Naramdaman daw ni Cherry Pie na puwedeng mauwi sa romantic relationship ang simpleng working tandem ng dalawa nang makitaan na niya ng pagbabago sa tinginan ang mga ito.

Sabi pa niya, “Yung sweet na, mga gano’n, yung dadating kami na magkatabi na yung silya.

“’Tapos ‘pag kakain… basta, makikita mo yung tinginan, malagkit na.”

TAKE IT SLOW. Kung marami ang nag-aalala sa pagiging open nina James at Nadine sa kanilang relasyon, para raw kay Cherry Pie, mas importante kung ano ang naidudulot ng pagmamahalan ng dalawa na hindi itinatago sa publiko.

Aniya, “On the personal note, siyempre, hindi ko na tinitignan.

“I don’t think I’m an authority kung nakatulong ba sa kanila o hindi.

“All I know is masaya sila… yung freedom to be able to express.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam naman din natin, to give more excitement to their audience.

“Pero sana yung medyo disiplina, yung hinay-hinay, yung control.

“But I’m just really happy for them.”

Ayon pa sa mahusay na character actress, lahat naman daw ng relasyon ay may pagdadaanan na susubok sa  mga nagmamahalan.

Aniya, “That is why they really have to be cautious and careful and ganyan.  Pero I wish their relationship to last for a long time.”

May mga advice ba si Cherry Pie kay James at Nadine?

“Marami, just to take it slow, enjoy it, mga bata pa kayo, huwag masyadong magmadali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN