Ai-Ai delas Alas soon to be a grandmother

On April 2, Ai-Ai delas Alas confirmed on Instagram that she will soon be a grandmother to son Sancho's child with girlfriend Shanna Retuya, although no official admission has been issued by the couple yet.


Na-curious ang mga Instagram followers ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas kung ano nga ba talaga ang ibig ng isang larawan na pinost niya sa kanyang Instagram noong Abril 2.

Ito ay larawan ng paa ng isang sanggol at may kalakip na mensaheng “Every child is a blessing.”

Caption niya rito: ?????? @sanchovito

Ang naka-tag sa naturang larawan at caption ni Ai-Ai ay ang kanyang anak na si Sancho delas Alas.

Marami tuloy ang naghihinala na buntis na ang girlfriend ni Sancho na si Shanna Retuya, isang model.

Sa comment section naman ng kanyang post, kinumpirma ni Ai-Ai na magiging lola na nga siya.

Sinabi rin niya kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya.

Aniya, “Soon to be pwede bang mommsy na lang haha ... D nanko mag tatangga nyan haha.”

Wala pang kumpirmasyon na nanggagaling mismo sa magkasintahang Sancho at Shanna ngunit marami na rin ang nag-congrats kay Sancho at sa soon-to-be grandmother na si Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN