Mark Herras on relationship status with Winwyn Marquez: "We're getting there."

Mark Herras says he's taking his time courting Winwyn Marquez, and not rushing her for an answer: "Alam niya na seryoso tayo sa kanya. Seryoso itong ginagawa kong pagligaw sa kanya. Gusto ko lang naman na maging maayos ang lahat."


Kahit na wala pang kumpirmasyon kung sila na nga, marami na ang naniniwala na meron nang namamagitang relasyon sa mga Kapuso stars na sina Mark Herras at Winwyn Marquez.

Sa kanilang taping para sa comedy anthology na Dear Uge noong nakaraang April 1 sa Bago Bantay, Quezon City, maraming nakapansin sa pag-asikaso ni Mark sa dalagang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark kung ano na ang estado ng kanyang panliligaw kay Winwyn, nakangiting sagot nito, “We’re getting there.”

Hindi naman daw kasi pine-pressure ni Mark si Winwyn na sagutin siya kaagad.

Binibigyan naman daw niya ito ng time para mas makilala siya nito.

“Nagkaroon kasi tayo ng hindi magandang image noon, di ba?

“Kaya gusto ko na mabura yun para naman hindi yun makaapekto sa panliligaw ko kay Winwyn.

“Sa palagay ko naman, mas nakikilala na niya ako talaga.

“Alam niya na seryoso tayo sa kanya. Seryoso itong ginagawa kong pagligaw sa kanya.

“Gusto ko lang naman na maging maayos ang lahat.

“Basta kami naman ni Winwyn, okey kami.

“Masaya ako kapag nakakasama ko siya,” ngiti pa ni Mark.

THANKFUL FOR GMA'S SUPPORT. Nagpapasalamat nga si Mark dahil all-out ang suporta ng GMA-7 sa kanila ni Winwyn.

“Lately nga ay lagi kaming magkasama sa mga guestings.

“Natutuwa naman ako kasi suportado kami ng GMA-7, hindi lang sa mga TV guestings kundi pati sa mga regional shows.

“Kapag nandoon ako, kailangan kasama rin si Winwyn.

“Sana nga ay tuluy-tuloy ito para marami pa kaming pagsamahan na mga projects ni Winwyn,” diin pa ni Mark.

CLOSE TO WINWYN'S FAMILY. Para naman kay Wyn, “Exclusively dating” ang nangyayari sa kanila ni Mark.

Si Mark nga lang daw ang lagi niyang nakakasama at okey daw iyon sa kanyang mga magulang.

Nakakasama nga raw niya si Mark sa pagkampanya ng ina niyang si Alma Moreno, na tumatakbo bilang senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Pinayagan naman si Mark ng GMA Artists Center.

“Sumasama siya sa mga house-to-house namin at sa mga campaign rallies.

“Sumusuporta siya kay Mama pati na kina Kuya Vandolph [Quizon] at Kuya Jeremy [Marquez].

“Masasabi ko na parang part na nga si Mark ng family namin kaya okey naman.

“We’re happy sa nangyayari sa amin ngayon.”

OK WITH DAD JOEY? So ang ibig sabihin ay okey na si Mark sa daddy niyang si Joey Marquez? Hindi na ba ito nakikialam sa mga nagde-date sa kanya?

“Ay, hindi mawawala iyon kay Papa. Nagtatanong pa rin naman siya.

“Si Mark kasi kilala na ni Papa. Nagkatrabaho na sila ng ilang beses na.

“So parang may tiwala naman siya kay Mark.

“Pero siyempre, hindi mawawala yung mga tanung-tanong ni Papa sa akin.

“Natural lang naman yun since very protective si Papa.

“I guess he likes Mark naman.

“So far, wala naman akong naririnig na negative feedback from Papa,” pagpapasalamat ni Winwyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN