Zsa Zsa Padilla hits back at basher who accused her of infidelity

Zsa Zsa Padilla on getting married again: "I haven't forgotten the man I was with for 23 years of my life. I want to move on with my life. I'm engaged and getting married. And I think that's doing the right thing."


Binuweltahan ni Zsa Zsa Padilla ang isang netizen na nag-akusa sa kanya ng pagtataksil dahil sa umano'y pakikipagrelasyon nito noon sa kanyang current fiancé na si Conrad Onglao kahit buhay pa raw ang dating partner ng Divine Diva -- ang yumaong Comedy King na si Dolphy.

Banat ni Zsa Zsa: “Shocking pa ba ang mga bitter sa mundo hiding under false names. Shame on you! Nagbabang Luksa ako for almost 2 yrs”

Pumanaw si Dolphy noong July 10, 2012.

Taong 2014 naman nang unang lumabas ang tungkol sa relasyon ni Zsa Zsa at ng arkitektong si Conrad.

Sunud-sunod ang tweets ng netizen na may handle name na @insider_showbiz kung saan tahasan niyang inakusahan si Zsa Zsa ng pagkakaroon ng relasyon kay Conrad kahit buhay pa noon ang Comedy King.

Isa pang tweet ng nasabing netizen tungkol sa diumano'y infidelity ni Zsa Zsa: “tis fact came straight from quizons... sila mismo nagbulgar kasi wala ng oras si @zsazsapadilla kay dolphy.”

Sunud-sunod din ang tweets ni Zsa Zsa upang ipagtanggol ang sarili.

Aniya, kailangang mag-move on at kahit hindi niya nakakalimutan ang dating partner kahit na pumanaw na ito, patuloy ang buhay.

Sabi pa ng basher, okay lang na ma-in love ulit pero sana naghintay muna si Zsa Zsa ng babang-luksa.

Inakusahan din ng naturang basher si Zsa Zsa na “kumekerengkeng” na umano ito kahit nasa ospital pa si Dolphy.

Depensa naman ni Zsa Zsa, batas sa Pilipinas na magkaroon ng babang luksa ng isang taon para sa isang married couple.

Halos dalawang taon daw mula nang pumanaw si Dolphy bago makipag-date si Zsa Zsa.

Hinaing pa ng Divine Diva, bakit kailangang halukayin pa ang isyung ito.

“Why are we bring[ing] this up again like I broke the law or some rule. Be fair. Be kind.

“I haven't forgotten the man I was with for 23 years of my life. I want to move on with my life. I'm engaged and getting married. And I think that's doing the right thing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, isang netizen na sumusuporta kay Zsa Zsa ang nag-tweet na hindi kasal sina Zsa Zsa at Dolphy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN