Kathryn Bernardo on relationship with Daniel Padilla: "Chill lang."

Kathryn Bernardo on maintaining "chill lang" relationship with Daniel Padilla: "Parang ano naman, yung mga tao, okay naman na ganun, di naman kailangan pa."


Handa na bang umamin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa estado ng kanilang relasyon?

Ito ang isa sa mga naging tanong sa 20-year-old Kapamilya actress nang makausap siya ng entertainment reporters sa charity event niya kahapon, April 3.

Matagal-tagal na rin kasing usap-usapan ang diumano'y romantic relationship ng dating Pangako Sa 'Yo stars.

Mas umingay pa ito nang makitang magkasama ang dalawa sa birthday celebration ni Kathryn sa Balesin.

Read: Kathryn Bernardo celebrates 20th birthday with rumored BF Daniel Padilla in Balesin

Ang matipid na sagot ni Kathryn tungkol dito: “Ayun, chill lang. Alam naman nila na ganun talaga kami, chill lang.”

Sabi pa ng Kapamilya star, hindi siya dapat ma-pressure na magsalita tungkol sa relasyon nila ni DJ.

“Parang ano naman, yung mga tao, okay naman na ganun, di naman kailangan pa.”


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN