Sarah Geronimo denies rumored engagement to boyfriend Matteo Guidicelli

by Arniel C. Serato
Apr 4, 2016
Pinabulaanan ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo na engaged na sila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli. Marami na raw silang narinig na mga balitang lumabas tungkol dito pero wala raw itong katotohanan.

Mariing itinanggi ni Sarah Geronimo na engaged na siya sa boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Sagot niya sa panayam ng Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN ngayong gabi, April 4: “Hindi [kami engaged].

“Maraming naglabasan... nagli-live in na raw kami, buntis daw ako, at engaged na kami.

“Wala, wala po.

“Sana mauna muna yung engagement bago ako mabuntis.”

Lalong lumakas ang ugong na engaged na diumano ang Popstar Princess sa Dolce Amore star noong sumama siya sa boyfriend para i-celebrate ang kaarawan ng huli sa Cebu nitong nakaraang Holy Week.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinabulaanan ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo na engaged na sila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli. Marami na raw silang narinig na mga balitang lumabas tungkol dito pero wala raw itong katotohanan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results