Chynna Ortaleza refuses to give details about her pregnancy

Beside the photos that they post on Instagram, married couple Chynna Ortaleza and Kean Cipriano refuse to give details about the actress' pregnancy. Chynna explains that it is their decision to keep her pregnancy private.


Kahit ngayong April na ang kabuwanan ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza, ayaw pa rin niyang magbigay ng detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis sa una nilang supling ng mister niyang si Kean Cipriano.

Ngunit hindi naman inililihim nina Chynna at Kean, lalo pa’t nagpu-post sila ng mga larawan sa Instagram kung saan halatang-halata na ang baby bump ng aktres.

Kahapon, April 6, ay nag-post si Chynna sa Instagram ng isang larawan kung saan magkahawak-kamay sila ni Kean. Mapapansin din dito ang umbok ng kanyang tiyan.

Sa Instagram post ni Chynna, wala siyang direktang sinabing buntis na siya.

Pero ang mga nakasulat na salita rito ay katumbas na rin ng pagbabahagi sa lahat, lalo na sa mga sumusuporta sa kanilang mag-asawa, na malapit na silang maging ganap na mga magulang.

Saad ni Chynna sa kanyang IG post:

“You will hold my heart forever.

“To all my questions you’re the answer.

“Eternally grateful to my husband, our families, our friends & loved ones, our loving fans & the special people who continue to help, teach & support us through this beautiful journey.

“To all of you who have expressed their prayers, happiness & joy.  Thank you so much for caring!

“Above all thank you Lord for granting the desires of our heart.

“Walking on water is indeed possible with You!”

Sa huli ay binigyan ng credit ni Chynna ang ilang linya sa post niya na mula sa isang kantang ginawa nilan ni Kean. Ang larawan naman daw na pinost niya ay kuha ni Geoff Mercado.

NO DETAILS. Kahapon din ay tinawagan at nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chynna.

Ngunit maayos naman niyang sinabi na napagkasunduan nilang mag-asawa na hindi na magbigay ng mga detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Pero iginiit din niyang hindi naman nila ito itinago at wala silang intensiyong itago. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una sa lahat, madalas pa rin naman daw siyang lumalabas at nagmu-mall.

Marami ring pagkakataong may mga nagpapakuha ng larawan sa kanya.

Nagulat nga kami nang malaman namin kay Chynna na sinamahan niya si Kean sa special screening ng pelikula nitong Echorsis sa SM North Edsa.

Ayaw man niyang magbigay ng mga detalye, hindi maitatangging masaya si Chynna sa kanyang pagbubuntis at excited na itong makita at mahawakan ang kanilang magiging unang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN