Antoinette Taus amazed by ABS-CBN's initiative to change the system in production

Antoinette Taus on ABS-CBN's move to make changes in TV production: "Even siyempre they're not at the taping, hindi naman nila nae-experience yun, at least narinig nila ang mga hinaing ng mga taong nagtatrabaho para sa network. You know, a lot of people talaga are really truly happy. Sabi ko nga, when you love your people, your people will love you back."


Ikinagulat ni Antoinette Taus na nakakuha ng positibong reaksiyon ang kanyang Instagram post tungkol sa mga pagbabagong nakita niya sa produksiyon ng ABS-CBN habang nagte-taping ng isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Ang pagbabagong ito ay sinasabing bunsod ng magkasunod na pagkamatay ng Kapamilya directors na sina Wenn Deramas at Francis Pasion, na may kaugnayan diumano sa sobrang pagpupuyat at matinding stress sa trabaho.

Kaya naman natuwa si Antoinette nang makita niya mismo ang ginawang hakbang ng Kapamilya network upang baguhin ang sistemang ito sa produksiyon.

Read: Antoinette Taus lauds ABS-CBN's move to make positive changes in production

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Antoinette sa screening ng restored version ng Patayin Sa Sindak Si Barbara, na ginanap sa Cine Adarna ng UP Film Center kagabi, April 6, sinabi nitong natuwa siyang marami ang nag-react sa kanyang Instagram post.

Saad niya, “Nagulat nga ako na marami ang nag-react sa ipinost ko kasi mahilig lang talaga akong magsalita at saka mag-write.

“The thing is, siyempre ang tagal ko na rin sa industriya, so kahit may mga bagay na sabihin na nating inirereklamo ng mga tao, para sa mga karamihan sa amin, hindi na namin inirereklamo kasi sanay na kami.

“Kumbaga, ganun na yun, e, hindi mo na irereklamo. Naiintindihan mo rin kung bakit nangyayari.

“That’s why I’m saying nga na hindi ko akalain na magkakaroon ng pagbabago.”

Patuloy ni Antoinette, “Nagulat ako sa MMK pa, sa ABS-CBN pa na mabigat talagang show.

“Usually yun pa naman ang show na tawag nga nila ‘ngaragan talaga.’

“Natatawa nga ako, kasi the past few taping days, lahat ng nasa set, masasaya ang mga mukha, nakangiti.

“Niloloko ko nga sila, ‘Bakit kayo nakangiti? Bakit kayo masaya, ha?’

“Sabi ko, ‘Kasi hindi tayo pagod, uuwi tayo nang maaga.’ Gumaganun pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just a great thing, at least the executives and, you know, the powers that really noticed.

“Even siyempre they’re not at the taping, hindi naman nila nae-experience yun, at least narinig nila ang mga hinaing ng mga taong nagtatrabaho para sa network.

“You know, a lot of people talaga are really truly happy.

“Sabi ko nga, when you love your people, your people will love you back.

“This will make the employees of any network, any production outfit that will do this, will really, really love them.”

Positibo si Antoinette na simula pa lang ito ng pagbabago ng sistema kung saan makikinabang ang lahat ng tao sa likod ng kamera at ang kanilang mga artista.

“I think nga magkaka-domino effect na ito, feeling ko.

“It’s amazing kung sino pa ang masasabi ko at the top, sila pa yung nag-umpisa at naglakas ng loob.

“It’s a big risk for the network, it’s not that easy din para gawin nila lalo na sa budgeting.

“The fact na talagang naglakas-loob sila na gawin and take that risk, I think mapapansin din natin na, because of that, baka lalo pang gumanda ang quality ng production.

“Unti-unti, pero actually sa totoo lang, medyo mabilis na rin ang nangyayari.

“It’s an amazing, amazing thing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN