Marian Rivera on Heart Evangelista: "Sana yung mga sinasabi niyang salita, tumutugma sa mga ikinikilos niya."

Marian Rivera on burying the hatchet with Heart Evangelista: "Kapag sincere ang isang tao sa akin, bakit naman hindi? Sino ba ang gustong may kaaway? Siyempre, lalo na ngayon na may anak ako, gusto ko na bawat yugto ng buhay niya ay positive talaga ang anak ko, at nakikita niya sa aming mga magulang na magandang ehemplo kami para sa kanya."


Hangga’t maaari ay ayaw magsalita ni Marian Rivera tungkol sa matagal nang away o hindi nila pagkakasundo ng kapwa niya Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Matatandaang noong 2011 ay nasangkot sa kontrobersiya ang dalawang aktres habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island, na umabot pa sa pagkumpronta diumano ng ina ni Heart na si Cecile Ongpauco kay Marian sa airport pagkadating ng cast mula sa Ilocos Norte.

Read: Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

Halos limang taon na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasang itanong kina Marian at Heart ang tungkol sa tila hindi pa rin natutuldukang alitan nila.

Gaya na lamang nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng iniendorso niyang Maxi Peel sa Sequoia Hotel, sa Quezon City, nitong Huwebes, April 7.

“Hindi pa tapos? Hindi pa rin tapos?!” natawang reaksiyon ng Kapuso Primetime Queen.

Pero dugtong din niya, “Nakakaloka… actually, tama ka, wala talaga, hindi talaga ako nagkokomento sa mga ganyang bagay.

“Pero ang pagkakaalam ko kasi... paano ko ba sasabihin?

“Kailan ba yung Dolphy special? Two years, three years ago? 

“Lumapit na siya sa akin, e. 

“The mere fact na lumapit na siya sa akin, pinatawad ko na siya.

“So, wala nang dahilan sa mga isyu na ‘yan.

“Kaya nagtataka ako bakit paulit-ulit, paulit-ulit na nabubuhay?

“Testigo rin si Ateng Rams [David, Marian’s manager] na okey kami, nagbabatian kami, civil kami.

“Kaya nagtataka ako kung saan nanggagaling at bakit ganun ang mga sinasabi.”

Ang tinutukoy na “Dolphy special” ni Marian ay ang Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy na ginanap sa MOA Arena noong September 19, 2012.

Pagpapatuloy ng Kapuso actress, “Sa ngayon, sobrang daming magagandang nangyayari sa buhay ko, tama na.

“At saka, wala talaga kayong narinig sa amin, kahit isa sa inyo. Wala talaga kayong narinig sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na... aaminin ko na may nakapagsabi sa akin at nasaktan ako sa sinabi niya na ‘very bad’ daw ang mga fans ko, dun, nasaktan talaga ako.

“Pero still, hindi pa rin ako nag-react dun.”

Read: Heart Evangelista calls Marian Rivera fans “very bad”

Napalakpak naman ang entertainment press sa sumunod na sinabi ni Marian tungkol kay Heart.

Pahayag ng misis ni Dingdong Dantes: “Siguro ganito na lang, siguro sana, yung mga sinasabi niyang salita, e, tumutugma sa mga ikinikilos niya.

“Ako naman, tao lang.

“Kapag sincere ang isang tao sa akin, bakit naman hindi? Sino ba ang gustong may kaaway? 

“Siyempre, lalo na ngayon na may anak ako, gusto ko na bawat yugto ng buhay niya ay positive talaga ang anak ko, at nakikita niya sa aming mga magulang na magandang ehemplo kami para sa kanya.”

MORNING SHOW. Bukod sa pagganp bilang Ynang Reyna sa pagbabalik ng Encantadia, nag-pictorial na rin si Marian para sa bago niyang morning show, ang Yan ang Morning!

Dahil pang-mommy at lifestyle ang format ng talk show niya, posible kayang mag-guest si Heart dito?

Sagot ni Marian, “Alam niyo, ever since talaga, sa Sunday Pinasaya, wala akong karapatan, kahit na sino ang mag-guest, na i-hold o harangin ang sinuman.

“Kasi ako, ang trabaho sa akin, trabaho.

“At sabi ko nga, walang espasyo sa buhay ko ang mga hindi magagandang pangyayari.

“So, okey lang, gusto niyang mag-guest at maganda ang topic namin, why not?

“Lahat puwede, kahit sino.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN