Robin Padilla admits Game ng Bayan can never surpass Wowowin

Robin Padilla on why he does not like to do another teleserye: "Ayaw ko nang magpuyat. Natakot na rin ako. Kayang-kaya lahat. Ang problema, yung edad. Tandaan mo si Wenn [Deramas], forty-nine lang [nung namatay]."


Nilinaw ni Robin Padilla na wala siyang intensiyong lampasan ang game show ni Willie Revillame.

Magkatapat ng timeslot ang Game Ng Bayan ni Robin sa ABS-CBN at ang Wowowin ni Willie sa GMA Network, bagamat mas mahaba ang oras ng show ni Willie.

Sa parehong surveys ng AGB Nielsen at Kantar Media/TNS, mas mataas palagi ang ratings ng Wowowin kumpara sa Game Ng Bayan.

Tanggap ba niyang mas mataas ang rating ng show ni Willie?

Pahayag ni Robin, “Hindi naman kahit kailan nakahabol yun [Game ng Bayan] sa Wowowin.

“Tsaka nangangarap ba sila na abutan ‘yon?

“Nagpapatawa ba sila? Hindi ko pinangarap yun.

“Ako, ang pangarap ko lang sa mga show, dumami. Kasi ang nakikinabang dito, ang mga mahihirap.

“Tandaan mo, instant yun. Instant money yun.

“Yung mga ganoon dapat sinusuportahan nating lahat.

“Sabi ko nga kay Ka Willie, 'Ako, nandito ako dahil sa tao lang. Hindi para ano…' Nagti-text naman ako sa kanya.

“So, huwag na kahit kailan niya isipin, lalo na ng mga supporter niya, na nag-iintensiyon?”

Saad pa niya, “Unang-una, ilan lang ang show ko? Thirty minutes, lalaban sa one and a half [hours]?

“Hindi ano yun… magkatapat.

“Pero yung pagod na inabot ko sa show sa gitna ng init, hindi ko nararamdaman naman.

“Kasi kapag nandoon ka at nakita mo ang mga tao, mabubura lahat yun, e.

“Kasi kahit tanungin ninyo ang mga kasama ko na hindi naman sanay sa mga ganyan...

“Kasi hindi lang naman yun basta ganoon lang.

“Pagkatapos mo doon, magpa-piktyur ka sa mga tao. Kakausapin mo sila. 

“Hindi yung basta show na pupunta ka lang doon at pagkatapos ng show, alis ka na?

“Hindi ganoon. Hindi ganoon ang Game ng Bayan. May relasyon ka doon sa barangay.”

NO MORE TELESERYE? Bukod sa Game ng Bayan ay napapanood din si Robin sa Pilipinas Got Talent bilang isa sa mga hurado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May dalawang projects pa ang naka-lineup na gagawin ni Robin this year.

Nami-miss ba niya ang paggawa ng teleserye at pelikula?

Sagot niya, “E, kung puwede lang, ayoko na.

“Ayaw ko nang magpuyat. Natakot na rin ako.

“Kayang-kaya lahat. Ang problema, yung edad.

“Tandaan mo si Wenn [Deramas], forty-nine lang,” pagtukoy niya sa yumaong direktor.

Mas conscious na ba siya sa kanyang kalusugan ngayon?

Ayon sa 46-year-old actor-TV host, “Dati pa akong conscious sa health magmula nung naging asawa ko si Mariel [Rodriguez].

“Pero hindi naman kuwestiyon yun kung organic or ano. Kapag tinamaan ka talaga ng sakit, marupok ka na, e.

“’Tamo si Direk Wenn. Saka yung isang director pa, si Francis Pasion…

“Kaya hindi na rin tayo pupuwedeng…

“Kasi kapag namatay ka, tatanungin ka ng Diyos, ‘O, bakit hindi ka pa nagretiro? Ibinigay ko na sa ‘yo lahat. Bakit nandoon ka pa? Hindi mo maiwan?’”

Kung siya ang tanungin ng Diyos, ano ang isasagot niya?

“Hindi, naiwan ko na po!” natatawang sagot ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN