Piolo Pascual on ex-GF KC Concepcion's dating status: "I wish all the best for her, that's all."

Piolo Pascual on settling down: "At this point of my life, I'm a guy, I have a son. When it happens, it will happen. Yun ang mga bagay na hindi ko na pinag-iisipan. Dun na lang yun."


“I wish her well. I wish all the best for her, that’s all.”

Ito ang sagot ni Piolo Pascual nang tanungin kung ano ang reaksiyon niya sa pag-amin ni KC Concepcion na idini-date niya ngayon ang dating Azkals football player na si Aly Borromeo.

Si KC ay dating girlfriend ni Piolo.

Sumang-ayon naman ang Kapamilya matinee idol sa sinabi ng dating girlfriend na may mga mabubuting lalaki pa pala at nagpapakita na ito sa kanya.

“Of course of course,” sambit ni Piolo.

Read: KC Concepcion admits dating former Azkals player Aly Borromeo

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo sa concert ni Kim Chiu sa Kia Theater noong Sabado, April 9.

MARRIED TO WORK. Sa edad na 39 ay isa si Piolo sa itinuturing na most eligible bachelors sa showbiz industry.

Pero wala pa raw sa prayoridad ng Kapamilya actor ang love life.

Aniya, “I’m married to my work for now, we’ll just cross the bridge.”

Hindi rin daw niya isinasara ang kanyang pintuan para lumagay sa tahimik.

“Okay naman, wala naman… bakit naman kailangang magsara ng pinto, di ba?

“Hindi ko na iniisip yun. 

“At this point of my life, I’m a guy, I have a son. When it happens, it will happen.

“Yun ang mga bagay na hindi ko na pinag-iisipan. Dun na lang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN