Ai-Ai delas Alas and partner Gerald Sibayan celebrate second anniversary

Hindi naitago ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang kanyang saya sa sorpresang regalong natanggap mula sa nobyong si Gerald Sibayan sa pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan. Ayon pa sa Sunday PinaSaya star, "And thank you for treating me just as special on the days that are not our anniversary."


Dalawang taon na ngayong araw, April 12, ang relasyon ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas at ng live-in partner nitong si Gerald Sibayan.

Halos 30 years ang agwat ng edad ng dalawa, pero hindi ito naging hadlang upang mas lalong tumibay ang kanilang relasyon.

Sa kani-kanilang Instagram accounts, nagpalitan ng matatamis na mensahe ng pagmamahal ang magkasintahan.

Sabi ng Sunday Pinasaya mainstay sa una niyang post: “Happy 2nd anniversary darling ... Thank you sa flowers at sa pasabog na LOUBOUTIN na lipstick... ang tarush !!! And thank you for treating me just as special on the days that are not our anniversary .... More to come bebe... I love you so much. @gerald_sibayan"

Kasunod naman nito ay ibinahagi ni Ai-Ai ang larawan ng ibinigay na red roses ni Gerald sa kanya.

Caption niya rito: “Wait there's more hehe aga ng pa flowers ni mayor... I love you darling good morning and thank you sa flowers ... Happy anni @gerald_sibayan

Ipinagdiwang nina Ai-Ai at Gerald ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng isang lunch date sa isang five-star hotel sa Parañaque City.

Lunchdate ??? #solairehotel

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

“YOU ARE MY LIFE, YOU ARE MY HOPE.” Sabi naman ni Gerald, kahit tutol ang kanyang ina sa naging relasyon nila noong una, hinayaan na lang daw sila dahil nakikita naman nitong nagmamahalan sila. 

Mensahe ng dating badminton player ng La Salle para kay Ai-Ai: “Happy 2nd Anniversary Darling ko.

“You are my life. You are my hope. You are my inspiration. You are my everything.

“I love you so so so much Darling ko.

“Ang bilis ng panahon, 2 Years na tayo Bebe ko.

“Akalain mo un umabot tayo ng 2 Years na bilang lang ang pagtatampuhan natin at pag-aaway na parang ewan lang.

“Sa buong 2 Years na pagsasama natin, sobrang dami ang pagmamahalan at kasayahan natin sa buhay at napakarelax lang ng relasyon natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na hindi maintindihan ni Inay na pinabayaan na lang tayo sa pagmamahalan natin sa isa't isa.

“Sa picture ng buhay ko, hinding-hindi ka puwedeng mawala and sa puso kong ikaw lang ang tinitibok darling ko.

“I LOVE YOU SO SO SO MUCH DARLING KO @msaiaidelasalas"

Matatandaang unang umamin sa PEP.ph si Gerald tungkol sa realsyon nila ng komedyana noong September 2014.

Read:FIRST READ ON PEP. La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN