Kathryn Bernardo speaks up about PDA photos with Daniel Padilla

Kathryn Bernardo on rumored boyfriend Daniel Padilla: "Super sweet siya na tao sa lahat... Kaya siguro siya minahal ng mga tao dahil sobrang sweet niya and parang wala siyang paki kung ano ang isipin ng ibang tao. Basta siya, gagawin niya kung ano ang naiisip niya, ganun siya."


Ipinaliwanag ni Kathryn Bernardo ang lumabas na sweet photos nila ng ka-love team at rumored boyfriend na si Daniel Padilla sa social media noong nakaraang linggo.

Matatandaang nakunan ang dalawa na sweet na sweet habang ginaganap ang appreciation lunch ng kanilang nagtapos na teleserye sa ABS-CBN, ang Pangako Sa ‘Yo, noong April 6.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla PDA at PSY thanksgiving caught on camera

Paliwanag ni Kathryn, “Medyo hyper lang si DJ [palayaw ni Daniel] nung araw na yun.

“Ano nga si DJ, kung ano ang maisip niya, gagawin niya.

“Super sweet siya na tao sa lahat.

“Kahit tanungin niyo pa sa mga directors, sa mga co-actors namin, ganun si DJ.

“Kaya siguro siya minahal ng mga tao dahil sobrang sweet niya and parang wala siyang paki kung ano ang isipin ng ibang tao.

“Basta siya, gagawin niya kung ano ang naiisip niya, ganun siya.”

Dagdag ng Kapamilya actress, “Nahahawa nga ako sa ka-sweet-an niya kasi hindi ako sweet na tao dati.

“Dahil sa kanya, mas naging ano ako sa mga tao... marami akong natutunan sa kanya.”

Sabi pa ni Kathryn, “Magulat tayo pag may iba siyang ginaganyan. 

“Kasi nga, through the years, siyempre kilala namin ang isa’t isa. Malaking parte kami sa isa’t isa.”

Kung marami ang natuwa nang makita ang mga naturang larawan, may ilan din namang nailang sa sobrang sweetness ng dalawa.

Reaksiyon dito ni Kathryn, “Wala, tinatawanan namin. ‘Huwag nang gawin issue ‘yan,’ ganun.

“Basta nga, sinasabi namin, hindi kailangang iano.

“Ang importante ngayon, makita ng mga tao, tanggap naman na ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Kathryn sa birthday treat sa kanya ng fans club niyang KB Buddies, ang #KathrynThankfulAt20, na ginanap ngayong Martes, April 12, sa Le Reve Events Venue, sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

THANKFUL. Noon pang March 26 ang aktuwal na 20th birthday ni Kathryn, pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng sorpresa sa kanya ng mga tagahanga nila ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labis nga ang pasasalamat ni Kathryn sa KB Buddies sa birthday treat cum presscon na ibinigay ng mga ito sa kanya.

Saad niya, “Iba yung feel, nakakatuwa na ang daming party, pero iba-iba ang pinasasalamatan.

“Kung puwede ko lang pagbigyan ang lahat ng gustong magpaano ng birthday, pero hindi lang talaga kaya ng schedule.

“Pero ito, naa-appreciate ko ito nang sobra.”

Ano naman ang birthday wish ni Kathryn?

Sabi niya, “Mas maging masaya at strong lang sa mga problemang dumating. Basta palagi lang masaya, gusto ko yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN