Kathryn Bernardo will not give up Teen Queen title despite turning 20

Kathryn Bernardo on Teen Queen title: "Kahit na ano ang mangyari, kahit anong age man, naging parte ang Teen Queen ng buhay ko. Malaking parte… parang hindi ko makakalimutan, hindi ko siya kayang pabayaan or ialis."


Kahit tumuntong na sa edad na 20 si Kathryn Bernardo, hindi pa rin daw niya isusuko ang titulong Teen Queen.

Paliwanag niya, “No, parang lahat tayo, mayroon tayong age na pag bata tayo, kahit matanda ka, may pagka-kid at heart ka pa rin.

“So ngayon, sabi kahit na ano ang mangyari, kahit anong age man, naging parte ang Teen Queen ng buhay ko.

“Malaking parte… parang hindi ko makakalimutan, hindi ko siya kayang pabayaan or ialis.”

Pero may bagong titulo na ibibibigay ngayon kay Kathryn, ang “Asia’s Emerging Actress.”

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Ang galing! Totoo ba yun?” bulalas ng Kapamilya star.

Patuloy niya, “Sino ba naman ang hindi matutuwa pag sinabing ganun?

“Triple din ang pressure, pero nakakatuwa, kasi mas nakikilala tayo sa iba’t ibang bansa dahil nga sa TFC [The Filipino Channel].

“Nakakatuwa kasi mas maraming tao ang ipinapakita nila ang suporta ngayon, kaya grabe.”

BUCKET LIST. Kasama ba sa bucket list ni Kathryn ang makilala internationally?

Sagot niya, “Kung kaya, bakit naman hindi?

“Pero siyempre, importante din na pokus tayo dito.

“Kung mabigyan ng chance sa ibang bansa, sino ang aayaw sa ganung opportunity.”

Sa kabilang banda, natutuwa si Kathryn dahil pare-parehong nabibigyan ng magagandang oportunidad ang tatlong pinakamalakas na love teams ngayon sa ABS-CBN: ang KathNiel nila ni Daniel Padilla; ang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre; at ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pahayag ni Kathryn, “Okay na okay, at lahat ngayon may kanya-kanyang focus talaga. May kanya-kanyang ginagawa.

“Yun ang importante na may trabaho kaming tatlo. May mapapanood ang mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN