Kathryn Bernardo bent on finishing her studies despite hectic sked

If Kathryn Bernardo is not a celebrity, what is she doing now? The Kapamilya actress says, "Siguro normal na nag-i-school, nag-aaral ng mga cooking lessons or photography class. Marami akong gustong lessons, e. Medyo feeling ko, marami akong ina-attend-ang class kung hindi ako artista."


Sa kabila ng kanyang hectic schedule bilang isang artista, patuloy pa rin ang pag-aaral ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Nasa ikalawang taon na siya sa kursong Marketing, pero may mga first-year year subjects pa rin siyang kinukuha ngayon.

Lahad ni Kathryn, “May mga tine-take akong general subjects, yun ang kailangan kong tapusin.

“Hanggang kaya talaga, kung ilang units ang kayang i-take, yun ang ine-enroll ni Mama. Basta dapat hindi raw mag-stop.

“Sobrang hirap pagsabayin, pero ang laking challenge din sa akin.

“Pag natapos, grabe yun!”

Dagdag niya, “Iba, e, pag nakatapos, sinasasabi ng lahat and sa sarili ko rin…

“Parang right ko yun.

“Yung iba sinasabi, ‘Artista lang, walang pinag-aralan.’

“At least, pag nakatapos ka, maipapakita mo sa sarili mo, sa ibang tao, nagawa mo yun.

“Hindi lang naman dahil may trabaho, hindi nga naman ito forever.

“So, kailangan mayron tayong back-up, sa future mapagmamalaki mo.”

Kahit daw ang katambal niyang si Daniel Padilla ay gusto ring makatapos ng pag-aral.

Saad ni Kathryn, “Gusto niya actually, napag-uusapan namin ‘yan.

“Ang problema lang, ‘Kung ikaw nahihirapang pagsabayin, baka hindi ko rin kayanin,’ sabi niya.

“Itutuloy niya talaga ‘yan someday, napag-uusapan namin.

“Gusto niya kasi, pag may focus sa isang bagay, yun lang muna.

“Ayaw niya na hindi naibibigay ang 100 percent sa dalawang bagay.

“Hindi rin kasi siya biro, pero I’m sure someday… si DJ pa!”

Kung hindi siya artista ngayon, ano na kaya ang ginagawa niya?

Sabi ni Kathryn, “Siguro normal na nag-i-school, nag-aaral ng mga cooking lessons or photography class.

“Marami akong gustong lessons, e.

“Medyo feeling ko, marami akong ina-attend-ang class kung hindi ako artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN