Bianca Manalo gives helpful tips to sister Nichole in joining Binibining Pilipinas

Bianca Manalo's advice to sister Nichole Marie, a candidate in this year's Binibining Pilipinas: "Sabi ko rin, lagi niyang iisipin na hindi niya lang ito ginagawa para sa sarili niya. Lagi niyang iisipin na ginagawa niya ito para sa pamilya, para sa sambayanang Pilipino, and kapag narapat para sa buong bansa."


Isa sa mga kandidata sa Binibining Pilipinas 2016 ang nakababatang kapatid ni Bianca Manalo na si Nichole Marie Manalo.

Kung papalaring manalo, si Nichole ang magiging ikatlong beauty queen sa kanilang pamilya.

Si Bianca ay nanalong Bb. Pilipinas-Universe sa Binibining Pilipinas 2009, habang ang nakatatanda naman nilang kapatid na si Katherine Anne Manalo ay nanalong Bb. Pilipinas-World noong 2002.

Todo raw ang suportang ibinibigay ni Bianca kay Nichole.

“As in hanggang sa tip, hanggang sa paano sasagot, composure, hinga nang malalim, huwag masyadong ma-pressure.

“Although, pressure talaga ito dahil bunso na siya. Lagi ko lang sinasabi na i-enjoy.

“Sabi ko, 'Alalahanin mo, pinagdaanan ko na rin ang kaba na 'yan.' Kasi siyempre, may ate na akong panalo.

“Sabi ko lang, 'Hingang malalim at i-cherish niya lang ang moment,'” saad niya.

Isang importanteng paalala rin ni Bianca kay Nichole, “Sabi ko rin, lagi niyang iisipin na hindi niya lang ito ginagawa para sa sarili niya.

“Lagi niyang iisipin na ginagawa niya ito para sa pamilya, para sa sambayanang Pilipino, and kapag narapat para sa buong bansa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa presscon ng upcoming ABS-CBN primetime series na My Super D kagabi, April 12.

MY SUPER D. Hindi naman napigilan ni Bianca ang mapaiyak nang tanungin kung bakit “super” ang kanyang yumaong daddy sa press conference ng My Super D.

Isa-isa kasing ipinakita ang ama ng mga miyembro ng cast bilang tribute.

Nang makita niya ang larawang ng tatay niyang si Rodrigo Manalo, bumuhos na ang luha sa mga mata ni Bianca.

Paliwanag niya, “Kung nandito ang daddy, sasabihin nun sa akin, 'Why are you crying?' Bawal kaming umiyak.

“Birthday niya kahapon [April 11], pinuntahan ko siya, umiiyak lang ako.

“Magwa-one year sa April 29 so mabigat ang buwan na 'to.”

Sa kabila ng matinding paghikbi, sinubukan pa rin ni Bianca na sagutin ang tanong na “Bakit super si daddy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hanggang sa mawala sya, he doesn't want to be a burden to the family.

“May nararamdaman na pala siya. Pina-autopsy pa namin ang katawan niya only to find out kung bakit siya namatay.”

Sabi pa ng Kapamilya actress, “Bakit super ang daddy ko, ginawa niya ang lahat para sa pamilya namin.

“Ayaw niya kaming makita siguro nang malungkot o nagsa-suffer.

“Gusto niya siguro na makita kami nang masaya kasi masayahin siya, e.”

Dahil sa mga proyekto niya—and My Super D at dating On the Wings of Love—nararamdaman pa rin daw ni Bianca na tila nandito pa ang kanyang pumanaw na ama.

Naku, daddy, grabe kang magparamdam!

“Sa OTWOL, kay Tatang Sol, nakikita ko sa kanya ang daddy ko. Ngayon naman, may Super D.

“Alam kong kasama ko lang nandito siya parati,” sabi ni Bianca na pilit na ngumingiti.

EARLY TRAINING FOR PAGEANTS. Ayon kay Bianca, malapit talaga silang magkakapatid sa kanilang ama.

Inalala pa niya kung paano siya tinuruan ni Daddy Rodrigo maging isang beauty queen.

Sabi ng Bb. Pilipinas-Universe 2009, “Growing up, siya yung nag-train sa akin, sumagot sa question-and-answer.

“Hindi ko alam kung bakit kapag nanonood siya ng Miss Universe, tinatawag niya ako, 'You watch this. You watch this.'

“Ako naman, 'I'm playing.'

“Tapos kapag sumasagot na ang kandidata, hinihinaan niya ang volume and sasabihin niya, 'How do you answer that?'

“Nagtataka ako bakit kailangan. Yun pala, gusto rin niya ako.

“Yung panganay [Katherine], when she won, may beauty queen na kami. Ako, gusto ko rin.

“'Tapos noong nanalo ako, kinausap niya ako the next day, hindi ko makakalimutan, hindi raw niya alam kung ano ang nagawa niya sa buhay niya dati, bakit siya nagkaroon ng mga anak na katulad namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN