Dominic Ochoa supports DOLE's 14-working hours proposal among production people

Dominic Ochoa on finally getting a title role after more than 20 years in showbiz: "Kahit ano, hindi naman tayo namimili, pasalamat pa rin sa Diyos. Siya naman ang nagbibigay ng mga ito. Sa amin, hindi rin naman kami naghahangad ng sobra-sobra. Sometimes kasi when you ask for something more, you become greedy. Ang importante, maging happy lang tayo sa buhay natin."


Tulad ng marami sa showbiz, sinusuportahan din ni Dominic Ochoa ang isinusulong ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 14-working hours para sa mga tao sa produksiyon, na tila nag-ugat sa magkasunod na pagpanaw ng mga direktor na sina Wenn Deramas at Francis Pasion nitong taon.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Sana maipatupad yun, sana ma-implement.

“Hindi lang naman yun para sa aming mga artista.

“There’s also production side na need ito, mag-cost-cutting.

“Pero siyempre, hindi natin napapansin yung kalagayan ng kalusugan, napapabayaan.

“Ang akin, hindi naman natin puwedeng sisihin ang trabaho sa nangyayari sa buhay natin.

“In a way, yung maliliit na bagay, like puyat mo...

“Pag puyat ka, you get hungry. When you’re hungry, you get to eat more.

“At the end of the day, when you eat something not good, na bawal, may epekto sa katawan mo yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa presscon ng pinagbibidahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang My Super D, na ginanap nitong Martes, April 12, sa Dolphy Theater.

GRATEFUL. Para kay Dominic, ang magandang itinatakbo ng career niya ngayon ay utang niya sa Nasa Itaas.

“Oo, yun lang naman, puwede tayong maging kontrabida, puwede tayong bida, puwedeng extra.

“Kahit ano, hindi naman tayo namimili, pasalamat pa rin sa Diyos.

“Siya naman ang nagbibigay ng mga ito.

“Sa amin, hindi rin naman kami naghahangad ng sobra-sobra.

“Sometimes kasi when you ask for something more, you become greedy.

“Ang importante, maging happy lang tayo sa buhay natin.”

Ipinagpapasalamat din ni Dominic na naiintindihan ng asawa niyang si Denise Go, isang make-up artist, ang nature ng trabaho niya bilang artista.

Saad niya, “Almost the same, e; humaharap lang ako sa kamera, siya hindi.

“I’m thankful also na, siyempre, nagtatrabaho ang asawa ko.

“It’s not like before na you provide when you’re a daddy and she just stays home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba na ngayon, ‘yan ang mga tina-tackle namin ngayon dito [My Super D].

“Ang tatay puwedeng mag-grocery, puwedeng mamalengke, puwedeng magluto.

“Iba na ngayon ang tatay.”

ADVICE TO NEWBIES. Bilang magda-dalawang dekada na rin siya sa showbiz, may payo ba si Dominic sa ilang baguhang artista, lalo’t may beteranong artista na tila natrato nang hindi tama ng ilang baguhang artista?

Pahayag ni Dominic, “To each his own, e.

“Ako, yung sa akin, let’s just be professional with work.

“If this is your call time, come on time, be professional.

“Minsan you have to speak out, too, you can’t just shut up.

“Pero you can say it in a nice way para hindi ka maka-offend ng ibang tao.

“Kasi sila rin ang makakatrabaho mo in the future, sila rin ang makikita mo, hindi mo maiiwasan, e.

“Mayroon tayong makakasamaan ng loob, mayroon tayong masasabi.

“Pero sometimes we have to keep it to ourselves, wala namang kapupuntahan.

“Unless very close sila na puwede mong sabihin sa kanila.

“Ako, hindi naman ako plastic na tao, I’ll tell them straight kung ano ang gusto kong sabihin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN