Marvin Agustin happy for friend Dominic Ochoa; recalls their heyday with the late Rico Yan

Marvin Agustin reunites with Dominic Ochoa in My Super Daddy, a sentimental project for the two of them. He says, "Ang tagal naming hindi nagkatrabaho ni Dominic, e, so napakasaya ng trabaho namin. Kung gaano kami kagulo noon at kakulit, ganun pa rin kami ngayon. This is a big break for Dominic. I'm very happy and I'm sure si Rico rin, masayang-masaya para kay Dominic."


Wala raw dahilan para ma-insecure si Marvin Agustin na sa kaibigan niyang si Dominic Ochoa napunta ang title role sa pinagsasamahan nilang upcoming ABS-CBN primetime teleserye, ang My Super D.

Sabi ni Marvin, “No, that’s the reason why I actually accepted the project, dahil it’s Dominic’s turn to shine and be the lead.

“This is his break, that’s one of the reasons why I accepted this project, I want to support Dominic.”

Solong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marvin sa backstage ng Dolphy Theater pagkatapos ng presscon ng My Super D na ginanap kagabi, April 12.

Paalis na sana si Marvin pero nahabol siya ng PEP para sa short interview.

REMEMBERING RICO. Reunion project na maituturing para sa magkaibigang sina Marvin at Dominic ang My Super D.

“Oo, reunion nga namin ito. At saka ni Rico,” biro ni Marvin.

Ang tinutukoy ni Marvin ay ang yumaong aktor at kaibigan nilang si Rico Yan, na nakasama nila sa dating sitcom ng ABS-CBN, ang Whattamen, na tumakbo sa ere mula 2001 hanggang 2004.

March 29, 2002 nang pumanaw si Rico, pero nagtuluy-tuloy pa rin ang show.

Nanghihinayang lang si Marvin na wala na si Rico para makasama nila sa reunion na ito.

Gayunpaman, alam naman niyang masaya ang yumaong kaibigan para sa kanila.

Natutuwa nga si Marvin para kay Dominic sa big break ng kaibigan bilang bida ng My Super D kasama ang child actor na si Marco Masa.

Saad niya, “This is a big break for Dominic. I’m very happy and I’m sure si Rico rin, masayang-masaya para kay Dominic.

“I’ve known Dominic as very hardworking, very loyal.

“Kasi ako, nakapagpaikot-ikot na ako ng networks, Dominic has stayed here [sa ABS-CBN].

“And it’s just right that he gets this big break dahil napaka-loyal at napakagaling din naman niyang artista at kaibigan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang muli nilang pagsasama sa trabaho?

Sagot ng aktor, “Masaya, ang tagal naming hindi nagkatrabaho ni Dominic, e, so napakasaya ng trabaho namin.

“Kung gaano kami kagulo noon at kakulit, ganun pa rin kami ngayon.

“Which is great kasi yung show namin ay masaya, comedy, fun.”

Pero mas mature na ba ang kuwentuhan ngayon bilang mga daddy na sila pareho?

“Yes, a little, pero makulit pa rin, e, tanungin n’yo yung mga kasama namin.

“Nagugulat sila kung gaano kami magkulitan ni Dominic.”

FUNNY VILLAIN. Ginagampanan ni Marvin sa My Super D ang role ni Tony, isang sikat na artista at karibal ni Dodong (Dominic) kay Nicole (Bianca Manalo).

Kontrabida raw siya ni Dominic dito.

“Yes, kontrabida ako, but in a fun way, in a comedy way.

“Ito rin yung gusto kong role na gawin, something different, something challenging for me,” ani Marvin.

Ano ang puwede niyang ipagmalaki sa My Super D?

“Yung istorya, noong iprinesent sa amin yung istorya, kung paano tatakbuhin.

“Napakasaya niya pero napakaraming matututunan.

“Ito yung tingin kong magugustuhan ng audience natin.

“Kasi yung mga tao gusto ngayon ng masaya lang, pero hindi kami tumitigil doon.

“Gusto namin na maging show siya na maraming matututunan ang mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN