Leo Martinez gives update on proposed 8-hour standard limit among actors and production people

Maraming mga trabahador sa likod at labas ng camera ang umaasang magiging epektibo na ang 8-hour standard work limit na kanilang isinusulong, katuwang ang Department of Labor and Employment. Sabi ng director general ng FAP na si Leo Martinez (nasa larawan), "According to our meeting last April 11, sa April 21 iga-gather ng DOLE lahat ng mga comments then gagawa sila ng final draft for signing na yun."


Nagkaharap-harap na noong Lunes, April 11, ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang Film Academy of the Philippines (FAP), Actors Guild of the Philippines (AGP), at lahat ng representatives ng major TV networks sa bansa upang talakayin ang isinusulong na 8-hour standard work limit ng mga tao sa produksiyon at mga artista.

Kuwento ng director-general ng FAP na si Leo Martinez, naging produktibo ang kanilang pagpupulong.

Umaasa silang magkaroon ng magandang resulta ang kanilang layunin para sa mga taong nagtatrabaho sa harap at likod ng kamera.

Pahayag ni Leo, “Tinake-up na ng DOLE… ang DOLE na ngayon ang nagtatawag ng meeting.

“In fact, nagka-meeting na last April 11, nandun yung mga lawyers ng big networks.

“And ang huling arrangement ay hiningi na ng DOLE ang comment ng lahat at ipadala sa kanila.

“Sa April 21, yun na yung final meeting.

“Lahat ng mga suggestions, comments, i-incorporate na dun at papipirmahan na kay Secretary Rosalinda Baldoz [ng DOLE].”

Kapag wala nang magiging sagabal, malaking pakinabang para sa production workers ang inisyatibong ito ng DOLE, kasama na ang ilang mga industry workers.

Saad ni Leo, “Well, according to our meeting last April 11, sa April 21 iga-gather ng DOLE lahat ng mga comments then gagawa sila ng final draft for signing na yun.

“In May or June at the most.

“After yung signing, it takes 15 days for effectivity.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Leo sa presscon ng Naku, Boss Ko!, noong Huwebes, April 14, sa isang restaurant sa Quezon City.

Ang Naku, Boss Ko! ay isang election advocacy campaign ng GMA News and Public Affairs na naglalayong mabigyan ng gabay ang mga botante sa pagboto sa darating na May 9 elections.

8 HOURS VS 12 HOURS. Ang isinusulong ng grupo nina Leo at iba pang mga grupo ay malimitahan sa 12 hours ang trabaho ng mga tao sa pelikula o sa paggawa ng teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Leo, “Ang hinihingi namin noon na 12 hours ang working hours per day, e, ayaw pumayag ng DOLE.

“Ang gusto ng DOLE, eight hours lang.”

Pero may mga artista raw na pumalag dito at ang gusto ay 12 hours maximum working hours.

Ngunit para kay Leo, hindi ito katanggap-tanggap sa maraming production workers.

“Yun naman sa artista, paumanhin, pero hindi lang naman tayo ang workers ng industriya.

“Pag sinabi kasi nating eight hours, 8 to 12 hours [ang working time] natin, dadagdagan mo yun ng three hours para dun sa mga kasamahan nating trabahador.

“Dapat ngang i-count yun. Dapat ang mga artista, makibagay lahat tayo sa mga trabahador.

“Wala tayong special ano… Kasi kung willing tayo ng 12 hours, e, di sila [production crew], 15 to 16 hours.

“Hindi naman tama yun.

“Magkasama tayo sa industriya, pagkatapos ng trabaho, dapat tapos lahat tayo pare-pareho ang oras natin.”

Nakisali na rin sa diskusyon ang co-star ni Leo sa Naku, Boss Ko! na si Tessie Tomas at ang direktor nilang si Marlon Rivera.

Sabi ni Tessie, “Kasi yung eight hours, namin naka-11 na sila [production people], e. Dapat overtime na sila.

“Oo kasi, pare-pareho tayo [nagtatrabaho].”

Dagdag naman ni Direk Marlon, “Malaking issue ‘to, e, 12 is fine. Tolerable.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN