Ritz Azul on transfer to ABS-CBN: "Dream come true."

Ritz Azul was convinced to transfer to ABS-CBN because of the network's plans for her. "Ang ganda, developmental siya. [Sabi sa akin], 'Ide-develop ka namin sa acting, lahat, at saka aalagaan ka namin.'"


Maituturing daw na isang “dream come true” para sa bagong Kapamilya na si Ritz Azul ang paglipat niya sa ABS-CBN.

Matatandaang noong Martes, April 12, ay pumirma ng network contract ang dating TV5 actress sa Kapamilya network.

Read: Former TV5 contract star Ritz Azul is now a Kapamilya

Ito ay nabanggit ni Ritz nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa set visit ng FPJ’s Ang Probinsyano ngayong Biyernes, April 15.

Ang nasabing primetime series na pinagbibidahan ni Coco Martin ang unang proyekto ni Ritz bilang isang Kapamilya.

Saad niya, “Actually, noong pagpasok ko pa lang ng showbiz, noong sa TV5 pa lang ako, hindi ko alam kung ano yung galaw ng networks, kasi masyado akong di nanonood [ng TV] noong bata ako.

“Noong pagpasok ko ng TV5, doon ko nalaman na ito yung ABS-CBN, ito yung GMA, ito yung 5.

“Sabi ko, ‘Wow, yung mga artista ng ABS, parang kagalang-galang, ang gaganda, tapos ang gagaling umarte, at ang daming endorsements.’

“[Naisip ko], ‘Ano kaya kung mapasama ako [doon] one day?’

“So, ayun, nung Tuesday na nga, contract signing... dream come true.”

BETTER OFFER. Nitong taon lang ay napanood si Ritz sa Kapuso comedy shows na Ismol Family at Bubble Gang. kaya marami ang nag-akalang sa GMA Network siya lilipat matapos mag-expire ang kontrata niya sa TV5.

Ayon kay Ritz, naunang lumapit sa kanya ang GMA subalit mas naunang magbigay ng mga plano para sa kanya ang ABS-CBN at Star Magic.

“Nauna po talaga ang GMA na lumapit, tapos may mga nakausap po kami na friends from GMA na, ‘Mag-guest ka muna dito sa Ismol Family, sa Bubble Gang.'

“[Pero] nauna po nagbigay ng plans ang ABS-CBN. Nagustuhan rin naman po ni Papa.

“Si Papa po, co-managed po ako; si Papa and si Star Magic po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masasabi ko po na nauna po kasi nagbigay ng plans yung ABS and nagustuhan naman po namin agad, kasi di mo talaga matatanggihan yung offer niya.

“Kasi ang ganda, developmental siya.

“[Sabi sa akin], ‘Ide-develop ka namin sa acting, lahat, at saka aalagaan ka namin.’”

TV5’S COUNTER-OFFER. Matatandaang sa TV5 nagsimula si Ritz nang maging runner-up siya kay Eula Caballero sa artista search na Star Factor noong 2010.

Pagkatapos ng star search ay nabigyan siya ng maraming teleserye kung saan gumanap siyang bida: Mga Nagbabagang Bulaklak (2011), Glamorosa (2011), Kidlat (2013), Misibis Bay (2013), at For Love or Money (2013).

Naibahagi naman ni Ritz na nag-counter-offer din naman ang kanyang dating home network matapos mag-expire ang kontrata niya noong January 2016.

Ayon sa 22-year-old actress, “Nag-offer din po ang TV5 at saka inantay ko rin po yung three-month period para sa contract.

“After the expiration, ginawa ko po lahat. 

“E, parang hindi po naayos agad yung plans kung o-offer-an ako ng renewal.”

Maayos naman daw ang naging paglipat ni Ritz sa Kapamilya network.

“Nagpaalam naman po ako nang mabuti. Sabi ko, gusto ko pong mag-grow as an artist.”

Dahil nakapag-taping na rin naman siya para sa FPJ’s Ang Probinsyano, naitanong din kay Ritz kung paano niya maikukumpara ang pagtatrabaho sa TV5 at ABS-CBN.

Sagot niya, “Parehas naman silang supportive, nagtutulungan.

“Pero masasabi ko na dito sa ABS, mas alam nila kung saan ako ipupunta, kung saang path ako ilalagay.

“Kasi sa TV5, medyo baguhan pa [ako], nalilito pa kung saan ako ilalagay.

“Dito sa ABS, naka-plan, may direksiyon.”

ARCI, ALEX, AND JC. Bago pa ang paglipat ni Ritz, nauna nang lumipat sa ABS-CBN ang dating TV5 stars na sina Alex Gonzaga, JC de Vera, Victor Silayan, at Arci Muñoz.

Nakatrabaho ni Ritz sina Alex at JC sa mga variety show noon sa TV5.

Subalit mas naging pinakamalapit si Ritz kay Arci, dahil naging magkapatid sila sa TV5 series na Mga Nagbabagang Bulaklak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nausisa naman ng PEP kung nagkausap ba sila ni Arci bago ang kanyang paglipat.

Pagbabahagi ni Ritz, “Hindi pa. Ang huli naming pag-uusap ni Ate Arci, nasa TV5 pa siya.

“Tapos medyo comment-comment na lang minsan sa Instagram.

“Ngayon, di pa kami nagkakausap nung lumipat na ako sa ABS.

“Busy din naman kasi siya, e.”

Isa rin sa mga nilu-look forward ni Ritz ay ang makatrabahong muli si Arci.

“Oo naman, kasi naging ate ko talaga siya, e.

“Nag-start ako ng showbiz, siya yung naging mentor ko rin.

“Tinuturuan niya rin ako ng acting, at saka nami-miss ko rin siya siyempre.”

Nakaapekto ba sa desisyon ni Ritz na lumipat ang mga nangyari sa career nina Arci, Alex, at JC sa ABS-CBN?

Sagot niya, “Hindi ko naman naisip yun.

“Kaya kami nag-decide na lumipat, kasi dahil doon sa plan, yung hinahanap namin ni Papa na plan.

“May direksiyon talaga, may career path talaga kaya po namin naisip.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN