Arjo Atayde says he's not courting Jane Oineza: "Wala akong oras, so paano 'ko manliligaw?"

Arjo Atayde clarifies relationship status with Jane Oineza: "For now, she's a good friend, a really good friend, and I can say na sa showbiz, siya ang isa sa mga una kong kaibigan. Somehow, we're texting pero hindi pa naman sa stage na full blast, kasi yun nga, I cannot give so much time because of the schedules for now."


Madalas sabihin ni Arjo Atayde na talagang wala siyang libreng oras para pagtuunan ang lovelife.

Pero kamakailan lang, na-link siya sa Kapamilya star na si Jane Oineza. Tila nag-hint kasi si Jane nang mag-guest siya sa Kris TV na nanliligaw na sa kanya si Arjo.

“Magkaibigan kami,” panimulang lahad ni Arjo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa AXE Black event sa Shooting Gallery sa Makati noong April 14 ng gabi.

Pero paglinaw niya, “How can I say it? Wala rin, e.

“Hindi ko rin masabi na I can go full force sa panliligaw to anyone because first of all, wala akong oras, so paano 'ko manliligaw, di ba?

“Especially, the first part of the relationship is to really spend time to get to know the person.

“For now, she’s a good friend, a really good friend, and I can say na sa showbiz, siya ang isa sa mga una kong kaibigan.”

Na-misinterpret lang kaya siya ni Jane na nanliligaw?

Patuloy niyang paglinaw, “No, napanood ko naman ang interview and she didn’t say I’m courting.

“Somehow, we’re texting pero hindi pa naman sa stage na full blast, kasi yun nga, I cannot give so much time because of the schedules for now.”

NOT DATING JANE. Kung lumalabas siya para mag-date, si Jane naman ang kasama niya?

Aniya, “Ay, hindi. We never go out on a date, kasi every day nga kaming nagte-taping.

“Nagkataon lang din na we were together in Dubai. She went alone and I went with my family.

“Nag-meet kami run, all of us as a group. One of the things that I look forward to is working with her.

“Kasi sinabi ko na sa kanya yun, 'I really find you good actress.'

Ang kakulangan sa oras ang dinadahilan ni Arjo kung bakit hindi siya makapang-ligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung mabibigyan siya ng oras at pagkakataon, si Jane na ba ang nakikita niyang gusto niyang ligawan at maka-relasyon?

Lahad niya, “Honestly, hindi ko masasagot ‘yan for now. Kasi, work muna ngayon.

“Work muna ang pinili ko. This opportunity doesn’t come often.

“I wanna focus on what I have right now. Maybe after the show, we don’t know.

“Sa ngayon, focus ako sa character especially pabigat ng pabigat ang istorya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN