Arjo Atayde looks up to Coco Martin as acting mentor, not a competitor: "Sobrang galing talagang magturo."

Arjo Atayde on his Ang Probinsyano co-star and acting mentor Coco Martin: "I consider him to be one of my mentors in this show. I really look up to him as my mentor. Sobrang galing talagang magturo, walang halong biro. And he's been there longer than me and he's way, way, way sikat than me."


Marami ang pumupuri kay Arjo Atayde sa pag-arte niya bilang si Joaquin sa Ang Probinsyano.

Pero itinanggi agad nito nang may mag-komentong entertainment press na mas magaling na raw siya kay Coco Martin.

“Hindi po, hindi po,” tanggi niya noong kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa ginanap na AXE Black event sa Shooting Gallery sa Makati noong April 14 ng gabi.

“Ako ang tinuturuan ni Coco.

“I learn a lot of things from him and bago kami magka-eksena, it’s either nagtatawanan kami or we talk about the dynamics. 'Arjo, dapat ganito. Ayusin na natin ang eksenang ito. Angat, baba.'

“I consider him to be one of my mentors in this show. I really look up to him as my mentor.

“Sobrang galing talagang magturo, walang halong biro.”

Dugtong pa ni Arjo, “And he’s been there longer than me and he’s way, way, way sikat than me.

“For me, I’m just working with what I have right now. Enjoy ako.

“And I’m enjoying his teaching and like I’ve said, he’s one of my mentors. He has such a creative mind na nakakatulong sa akin nang sobra-sobra,” pagpuri pa niya sa kanyang co-star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN