Aiko Melendez begins new story and journey with a foreigner

May bagong inspirasyon ngayon ang aktres si Aiko Melendez, sa katauhan ng isang foreigner. Sa pamamagitan ng Instagram, sinabi ni Aiko na magsisimula siya ng bagong kabanata sa piling ng naturang dayuhan.


Hindi nauwi sa seryosohang relasyon ang ligawan sa pagitan ni Aiko Melendez at ng Spanish suitor nitong si Mario Claudio, na ipinakilala ng aktres sa media sa YES! 15th anniversary, sa Crowne Plaza Hotel, noong July 2015.

Read: Aiko Melendez introduces new inspiration to the press at YES! 15th anniversary party

Ilang buwan matapos nito, wala nang naging balita pa sa kanilang dalawa.

Kahapon, April 18, nag-post ang 40-year-old actress sa Instagram ng larawan niya kasama ang isang foreigner na nagngangalang Shahin Alimirzapour.

Caption niya dito: “Starting a new story and Journey with @shahin_mirzapour_ no explanation needed...”

Starting a new story and Journey with @shahin_mirzapour_ no explanation needed... ??????

A photo posted by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

Marami namang followers ni Aiko ang natuwang malaman na may bago siyang inspirasyon.

Ilan pa nga sa mga kaibigan niyang artista ang nagkomento dito.

 

 

Halos walong taong naging single si Aiko matapos makipaghiwalay sa dating karelasyon na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN