Miss Universe-Philippines Maxine Medina thankful to Pia Wurtzbach for inspiring her

Umaasa ang bagong hirang na Miss Universe-Philippines 2016 na si Maxine Medina na maipagpatuloy ang naging panalo ng bansa sa Miss Universe pageant.


Isang karangalan para kay Maxine Medina, ang bagong hirang na Miss Universe-Philippines 2016, na makoronahan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Matagal na raw kasi silang magkaibigan at magkasama pa sila sa Aces & Queens.

Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, April 19, nangako si Maxine na gagawin niya ang lahat upang maipagtuloy ang naging tagumpay ni Pia sa Miss Universe.

Saad ng 25-year-old fashion designer at model, “I will always look up to you.

“I feel so honored to be crowned by you.

“Thank you, @missuniverse @piawurtzbach for inspiring me and a lot of people.

“I promise to do my very best to continue the legacy. #MissUniversePhilippines2016

Sa December 2016 nakatakdang lumaban si Maxine sa Miss Universe kaya sasabak siyang muli sa matinding training.

Marami naman ang umaasang sa Pilipinas gagawin ang Miss Universe 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN