Jasmine Curtis-Smith on how she handles bad press: "Kebs lang."

Jasmine Curtis Smith has her own set of rules when dealing with the press: "I don't wanna beat around the bush, kumbaga. Ayoko na na kung saan-saan pa ako dadaan. Diretsuhin ko na but still in a manner na respectful. I would show na hindi ako natuwa sa sinabi mo."


Nagbigay ng kanyang opinyon ang TV5 actress na si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa isyung may kinalaman sa pakikitungo ng mga artista sa entertainment press.

Bunga ito ng Instagram post ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ilang araw na ang nakakaraan, na halatang napikon sa isang tabloid writer na hindi naman nito pinangalanan.

Read: Kylie Padilla slams tabloid writer in open letter: 'I hope karma gets you and it will.'

Pahayag ni Jasmine, “Ako naman, kapag ako lang naman ang tinitira or napagsasalitaan ng hindi ko gusto, hinahayaan ko na lang.

“It's okay, it's part of the job.

“But if it's part of the family, if it's a friend, if it's below the belt na, that's the time I react.

“But I make sure in a manner na I'm proving a point, and I can let you know why it’s not right.

“I don't want naman na papatol lang ako, para masabihan lang na may pinatulan ako.”

“May pagkakataon na bang may 'pinatulan' na siya mula sa press?

Pag-amin ni Jasmine, “Yeah, pero it's before pa.

“I've answered naman in a presscon kasi we're doing a one-on-one interview with the press.

“Nabastos ako sa question kasi, parang pangit ang dating.

“Yung image na sinet nila for Ate [Anne Curtis].

“I said, "I'm sorry, I'm not gonna answer that.

“That's irrelevant with what I'm doing right now.’

“Yun lang, I was so hurt for Ate.

“I don't want to answer that kasi it can be interpreted in different ways na, alam mo na.

“You guys can write it in a manner na you don't mean anything about it.

“But the readers can, alam mo yun, might give it malice.

“So, sabi ko, ‘Wag na lang, alam mo, I'm offended, I don't want to answer, never mind.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa Press Play Launch ng D5 Studio, na ginanap sa Shangri-la sa The Fort, Taguig City kahapon, April 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jasmine ay bida sa digital show na Forever Sucks na ipapalabas ng TV5 Studio.

PRESS RELATION. Maganda naman daw ang relasyon niya sa press people.

Sabi ng bunsong kapatid ni Anne Curtis, “Yeah, look at us!

“Tinatanong pa nga kita kung okey lang mag-joke, 'di ba, 'di ba?

“I think I've just been very... kebs lang.”

Kung siya ba ay ma-offend ng isang writer, magiging confrontation din ba siya?

Saad niya, “It depends.

“Kasi, I can answer you naman, I can give you the answer that you wanna hear.

“But at the same time, I will tell you that's offensive.

“I make you feel it, in front of you.

“Kasi it's there na, e, alangan namang maghintay pa akong mag-isa, 'di ba?

“I think, right now, if you tell me something, I' ll be like, 'Excuse me...'

“O, di ba? I'll wait for you to react, or ibahin mo na lang ang question mo.

“Unlike dati, I don't wanna beat around the bush, kumbaga

“Ayoko na na kung saan-saan pa ako dadaan.

“Diretsuhin ko na but still in a manner na respectful.

“I would show na hindi ako natuwa sa sinabi mo.”

ON KYLIE’S COMPLAINT. Tungkol naman sa naging post ni Kylie, wala naman daw siyang kontra sa mga sinabi nito.

Aniya, “I have no opinion against it.

“I said a while ago, I have a different approach pagdating sa mga ganyan.

“I don't want...I don't know kasi exactly what transpired, so I don't want to comment.

“I saw her post , she wrote it very eloquently.

“I don't know what happened, I don't know what's written.

“Ayoko naman na magsimula nang sarili kong isyu, 'di ba, na may malisya dun or whatsoever.

“Everyone has her own approach, she feels comfortable doing that.

“Hindi ko sinasabi na mali siya dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, if it settles her mind, and her heart, sige... iba ako, iba ang approach.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN