Daniel Padilla on 'PDA' photos with Kathryn Bernardo: "Grabe naman, di naman PDA yun!"

Despite non-admission, Daniel Padilla is seen all over Kathryn Bernardo in their Instagram photos, then what is  that display of affection all about? Are they on or what? "Masaya lang talaga ako kay Kathryn. Pag masaya si Kathryn, parang ang saya-saya ko. Parang wala na akong problema," he says, charmingly avoiding the issue, as usual.


Sa nakaraang appreciation lunch ng Pangako Sa 'Yo ay kumalat sa social media ang mga larawan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung saan ilang ulit na nahuling inaamoy ng binata ang balikat ng kapareha.

Sinasabi ng iba na public display of affection ang nakitang sobrang sweetness nila.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla PDA at PSY thanksgiving caught on camera

Reaksiyon dito ni Daniel, “PDA ba yun? Grabe naman, di naman PDA yun!

“In a good way naman siguro, talagang ang hirap ngang itago, hindi naitatago ang ganun.

“Masaya lang talaga ako kay Kathryn.

“Pag masaya si Kathryn, parang ang saya-saya ko.

“Parang wala na akong problema.”

Sa isang hiwalay na panayam kay Kathryn, sinabi nitong si Daniel ang nagturo sa kanya kung paano maging sweet.

Ayon pa kay Kathryn, by nature ay hindi talaga siya sweet na tao, kabaligtaran ng kapareha.

Pahayag dito ni Daniel, “May ways lang siguro tayo kung paano maging sweet.

“Ako siguro yung PDA version, si Kathryn yung close version.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa birthday celebration na ibinigay sa kanya ng grupong Danielistaz, sa Le Reve, noong Martes, April 19.

Ipagdiriwang ng Kapamilya star ang kanyang 21st birthday sa April 26.

RELATIONSHIP STATUS. Sa kabila ng naglalabasang mga larawan at usap-usapang sila na sa tunay na buhay, hanggang ngayon ay wala pa ring direktang pag-amin sina Daniel at Kathryn tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila.

“Yun na lang ba ang kulang?” balik-tanong ni Daniel.

Saad pa ni Daniel, “Hayaan na lang natin na maging kulang yun.

“Hindi naman sa di namin maamin, basta, just wait for the best.

“In God’s perfect timing, huwag tayong ma-pressure sa mga tao.

“Relax lang, masarap ang ganito. Mas relax, mas open.

“Gusto ko, pag nalaman ng tao, perfect timing talaga, espesyal yun, e.”
 
Aaminin ba naman niya o itatago sa publiko kung sakaling sila na talaga ni Kathryn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Daniel, “Mukha bang naitatago yun?

“Hindi nga naitatago ang affection mo, mahirap itago yun.

“Kung talagang importanteng tao sa iyo, mahirap itago yun.

“Ang hirap magpanggap, ang hirap umarte.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN