Ana Capri disappointed by slow pace of her sexual harassment complaint

Ana Capri: "I am deeply disheartened by the fact that there are people who, even until now, refuse to reveal the identity of the person who harassed and assaulted me three weeks ago just because he is supposedly a VIP, or a guest of a VIP, of an elite club."


Nagpahayag ng kanyang disappointment ang aktres na si Ana Capri dahil sa mabagal na pag-usad ng kanyang reklamong sexual harassment.

Kaugnay ito ng pambabastos at pananakit diumano sa kanya ng isang lalakng foreigner sa Palace Pool Club, sa Taguig City, noong April 3.

Read: Ana Capri claims she was harassed by unidentified man at Palace Pool Club

Inilabas na sa publiko ang nakunan ng CCTV camera nang mangyari ang insidente, kunsaan may isang Chinese guy ang lumapit kay Ana sa may bar habang tsine-check ng aktres ang kanyang tsina-charge na cellphone.

Nakitang nagulat si Ana dahil hinawakan siya ng hindi pa rin nakikilalang lalaki sa isang maselang parte ng kanyang katawan.

Nakita rin sa CCTV footage na nagkaroon ng palitan ng salita sa pagitan ni Ana at ng naturang lalaki.

Bilang depensa ay nasampal ni Ana ang lalaki, pero ginantihan siya nito ng mas malakas na sampal.

Makikita rin sa naturang video na may ilang kalalakihang lumapit at hinatak ang lalaki papalayo sa aktres.

Sa huling panayam ng PEP kay Ana, sinabi nitong hindi niya nakuha ang pangalan ng lalaking nambastos at nanakit sa kanya.

Humingi na raw siya ng tulong sa NBI (National Bureau of Investigation), at nangako raw ang mga ito na tutulungan siya sa kanyang ihahaing reklamo na sexual harassment and physical violence laban sa lalaki.

Tatlong linggo na ang nakakaraan, pero hanggang ngayon daw ay wala pa ring makapagbigay ng pangalan ng lalaking nambastos at nanakit sa kanya.

Kaya sa pamamagitan ng Facebook kahapon, April 20, naglabas ng kanyang saloobin si Ana ukol sa kanyang reklamo:

“I am deeply disheartened by the fact that there are people who, even until now, refuse to reveal the identity of the person who harassed and assaulted me three weeks ago just because he is supposedly a VIP, or a guest of a VIP, of an elite club.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“By allowing this assailant to roam free, we are effectively exposing our mothers, sisters and daughters to a repeated act of sexual and physical violence, which I experienced last April 3.

“This case is not only about me, but about the plight of all women whose voices were buried and obscured by politics and money of powerful people protecting their financial interests.

“What kind of system do we have if we cannot even obtain the mere name of this sexual predator, whose face had already been branded on live television and major publications?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN