Pokwang gives update on Angelica Panganiban post-John Lloyd Cruz: "Lukring pa rin."

"Wala naman akong nakikitang dapat ikalungkot," commented Pokwang when asked how her friend Angelica Panganiban is doing after breaking up with John Lloyd Cruz.


Wala raw katotohanan ang lumabas na balita noon na secretly married na si Pokwang sa American boyfriend niya na si Lee O’ Brian.
   
“San ba nakuha yan?” pagtataka ng komedyana.

Hindi pa nga raw sila engaged ng kasintahan.

“Wala pa rin, wala. Basta masaya lang kami, happy lang.

‘Yan ang sikreto ng isang masaya na relasyon, wag mong lagyan ng pressure ang bawat isa.”
 
Ayon pa kay Pokwang adjusted na si Lee sa Filipino culture at maganda ang samahan nila ng kanyang anak.
  
“Ang bilis niyang na-adapt ang pagiging Filipino.

“Saka ano siya sa pamilya ko, nagbibigay siya ng payo.

“Dati malakas kumain ng kanin, ngayon nagbawas na.
  
“Okey naman sila, saka nakakatuwa ang anak ko.

“Pag nagluluto siya, iniisip niya yung isa kasi takot yun sa maanghang.”

Di naman tinago nina Pokwang at Lee na nakunan ang komedyana sa magiging unang anak sana nila.

Sa ngayon ay hinihintay lang ng magkasintahan ang tamang panahon para dito.
 
“Kaya pa ba? Pag kumalma na ang lahat,” saad ni Pokwang.

“Ayoko na namang mangyari yung nangyari dati, kailangan kalma lang.”

Dahil masaya siya sa kanyang relationship ngayon, ano ang suporta na binigay niya sa kaibigan niyang si Angelica Panganiban sa pakikipaghiwalay nito kay John Lloyd Cruz?
  
“Kaibigan ko sila pareho saka nakikita ko naman si Angelica, lukring pa rin," lahad ni Pokwang.

“Wala naman akong nakikitang dapat ikalungkot.

“Siguro dahil happy na sila, maganda naman siguro ang nangyari dahil magkaibigan naman."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Pokwang sa set visit ng serye niyang We Will Survive nung nakaraang Miyerkules, April 20.

COMPETITION? Kumpirmado na mas maaga na ngayon ang timeslot ng We Will Survive na mula sa 5:30 ay mapapanood na ng 5:00 ng hapon araw-araw.
  
“Excited kaming lahat, lalo ngayon na may bago kaming timeslot.

“Medyo napaaga kami, yan ay iniiwan na lang namin sa management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam naman nila ang makakabuti at pinag-aralan talaga nila nang bongga.
 
Ang makakatapat ng show nila sa kabila ay ang Wowowin ni Willie Revillame. 

Para naman kay Pokwang ay wala silang nakikitang kumpetisyon.
   
“Iba naman ang ino-offer ng show na ito, iba naman ang ino-offer ng show niya.

“Bilang kami naman, marami ang nakaka-relate sa aming mga kababaihan.

“Mapa-nanay, mapa-single mom. Pampamilya talaga.”
 
HIGH RATINGS. Sa ngayon ay consistent ang high ratings at good feedback ng seryeng pinagbibidahan din nila ni Melai Contiveros.

Nagpapasalamat si Pokwang sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa We Will Survive  at sa malalim na pagkakaibigan na nabuo sa kanila ni Melai.
   
“Nung una, kabang-kaba kami at 'di namin inaakala na magbibida kami nang bonggang-bongga.

“Ine-enjoy lang namin ito saka masaya, masayang-masaya.
    
“Si Melai, baliw yan, napakasipag ding tao, sobra.

“Laging naka, 'Ate Pookey! Ate Pookey!'

“Lagi siyang excited na maka-bonding ang anak niya.

"Siyempre maliit pa ang anak niya, pagbubuhusan mo talaga ng panahon.

Sa akin kasi medyo dumalaga na. Seryoso na sa pag-aaral.”

Sa kabilang banda, ayaw mang ipaalam ni Pokwang kung sino ang sinusuportahan niyang kandidato para sa pagkapangulo ng bansa sa darating na eleksyon, naniniwala siyang kayang tuparin nito ang mga platapormang ipinangako.

“Kasi ang kurapsyon, matagal nang sakit sa bansa natin yan.

“Siguro lang yung tutukan talaga yung mahirap na kalagayan ng mga kababayan natin.

“Lalung-lalo na ang edukasasyon.
  
“Kung sinuman ang mananalo, ang kanilang plataporma…

“Di puro lang mapako ang mga pangako," pagtatapos ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN