Is Traffic Diva Aicelle Santos dating GMA reporter Mark Zambrano?

May namamagitan na nga bang espesyal na relasyon sa singer na si Aicelle Santos at sa GMA News reporter na si Mark Zambrano? Marami kasi ang kinilig sa larawan ng dalawa sa kani-kanilang account sa Instagram at nataong tinukso rin si Aicelle sa Sunday PinaSaya tungkol kay 'Mr. Reporter.'


May bago na nga bang nagpapasaya sa puso ng Traffic Diva sa katauhan ni Mr. Reporter?

Ito marahil ang tanong ng maraming followers ng singer na si Aicelle Santos at ng GMA News reporter na si Mark Zambrano.

Sa Sunday PinaSaya ng GMA Network noong Linggo, April 17, malimit na tinutukso ni Jose Manalo si Aicelle tungkol sa reporter na malapit daw sa Kapuso singer ngayon.

Pero walang idea ang fans kung sino ba si ‘Mr. Reporter’ na tinutukoy ni Jose, hanggang nitong Martes, April 19, nag-post si Mark sa kanyang Instagram ng larawan nilang dalawa ni Aicelle.

Nakasaad sa caption ni Mark: “Truly blessed to witness your talent and unwavering faith onstage @aicellesantos! Continue being a blessing to others okay! Proud of ya!"

Makalipas ang dalawang araw, ang Eat Bulaga! mainstay naman ang nag-post sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Mark.

Sabi ni Aicelle: “So this guy took me to my voice doctor. Thanks @markzambrano!
#signlanguageonly #notalking??

So this guy took me to my voice doctor. Thanks @markzambrano! #signlanguageonly #notalking??

A photo posted by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

Marami namang followers ni Aicelle ang natuwa at mayroon na raw inspirasyon ang singer. Ganundin ang mga tagahanga ni Mark na masaya sa bagong kabanata ng kanyang buhay.

Si Mark ay dating nobyo ng showbiz anchor ng Balitanghali na si Luane Dy, na karelasyon naman ngayon ng aktor na si Carlo Gonzales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN