Enrique Gil takes it slow with Liza Soberano: "Siyempre respetuhin natin yung desisyon ng family niya."

Enrique Gil is grateful for what he and love team partner Liza Soberano are having now, "Effort din naman siya to let her family get close to me. Importante ang mga malilit na bagay. Boto naman sila but sabi nila darating din naman diyan."


Ayon kay Enrique Gil, ay alam naman niya kung nasaan siya sa puso ng kaparehang si Liza Soberano.

Pero sa ngayon ay nirerespeto niya kung 'di pa talaga puwedeng maging sila.
   
Ani Enrique, “Siya din naman sinasabi din naman niya.

“Siyempre respetuhin natin yung desisyon ng family niya.

“She turned eighteen, at kahit eighteen na, siya yung breadwinner ng family nila.

“Gusto nila i-focus sa ganito. Hindi naman nila pinipigilan si Liza, lahat ng nangyayari sa amin.

“Like yung sa love team namin, sa relationship namin, nakita naman nila na lahat is all good.

"Okey naman sila, boto naman sila but sabi nila darating din naman diyan.”
   
“May relasyon pero 'di ganun. Yung sa amin parang ganun na rin.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Liza at Quen sa set visit ng Dolce Amore kagabi, April 21, sa Cornel Hospital sa Antipolo.

FAMILY CLOSENESS. Dito ay siniguro ni Enrique na naiintindihan niya ang gustong mangyari muna ng ama ni Liza.

“Kasi gusto ng daddy niya maging focused siya, e.

“Siguro pag nakabili na siya ng sariling bahay niya, for herself.

“Gusto siguro settled muna lahat. Hindi naman sa makakagulo sa isip niya.

“Pero, siyempre, they are just looking out for her welfare naman.

“Ganyan din ako pag may anak akong babae o lalake. That’s life.”
 
Naa-aprreciate naman daw ni Enrique ang ipinapakita sa kanya ng kapareha.    
  
“Effort din naman siya to let her family get close to me.

“Just to find ways para magkasama kami lagi,  kahit saan, kapag free day, kung aalis or lalabas.

“Kung kasama niya ang family niya, kasama ako. Importante ang mga  malilit na bagay.”

Nagdiwang ng kanyang kaaarawan nung march 30 si Enrique at isang flying board pala ang regalo sa kanya ni Liza.

“Siyempre masaya kasi tapos na yung beach house namin sa Anilao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So siyempre lagi kaming nandun saka yung family niya.

“At least lalo kaming makakapag-enjoy dun.”

MOST POPULAR LOVE TEAM. Itinanghal sa nakaraang 47th Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards ang LizQuen bilang Most Popular Love Team of Movies and Television.

Hindi man nakadalo sa awarding ang dalawa, malaki pa rin ang pasasalamat rin Enrique.

“Solid, maraming salamat. We’re grateful, thankful.

Mahal namin ang trabaho namin, mahal ko yung partner ko.

“Binibigyan pa rin kami ng award kahit nag-e-enjoy lang kami. We’re just happy.”
     
Consistent ang high ratings ng Dolce Amore at habang tumatagal ay lalong di ito binibitawan ng mga manonood.

“It’s amazing, siyempre. Wala naman kaming ine-expect dun, e, no expectations talaga.

“Pati yung pagkabulol ko. Akala lang namin, ‘Sige, i-try mo lang.’

“'Di namin ine-expect na matutuwa ang mga tao.

“Parang medyo naging comedy yung show namin, e, parang pati ako naging komedyante na rin.

“At least iba rin, di puro drama lang. Na-try kong maging komedyante.

“It’s fun, sobrang nag-enjoy ako.

“Grabe din ang freedback, yung pagmamahal lalo na sa mga tindahan.

“Kahit sa mga jeepney, ginagaya nila yung pagkabulol ni Ten-Ten.

“Yung mga kuwento ng mga tao nakikita ko, dun sa mga school namin.

“Pati yung teacher, niloloko kami sa classroom, nagbubulul-bululan.”
 
WORLD TOUR. Dahil sa tagumpay ng Dolce Amore ay magkakaroon ng world tour ang buong cast ng serye, ang Destiny  World Tour kung saan iikot sila sa iba’t ibang lugar sa Europa.

Aalis na nga raw sina Enrique at Liza sa darating na Lunes.

“It’’s good na nakakapag-reach out kami sa ibang bansa.

“At least kahit papaano alam naming we feel appreciated.

“Kaya Kapamilya ang tawag namin sa kanila.

“Kahit saan kami mag-tour, grabe, it feels like home, sila ang mga Kapamilya namin.

“Sobrang init lagi ang welcome nila, maraming salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana mag-abang sila sa Destiny tour,” lahad ni Enrique.
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN