Aljur Abrenica refuses to comment on ex-girlfriend Kylie Padilla's love life

Former couple Aljur Abrenica and Kylie Padilla were once the talk of the town, but they ended up barely talking to each other. He says, "Naging parte na siya ng buhay ko noon… alam ko po yung mga pangarap niya. Natutupad na niya ngayon, masayang-masaya po ako sa nangyayari sa kanya."


“I’m good,” ang mabilis na sagot ni Aljur Abrenica nang tanungin kung kumusta na siya.

How good is good?

“Ahh… better than yesterday, I think, yeah!

"I guess… I’m happy,” ang nakangiti pang sinabi ng Kapuso hunk.

Naitanong tuloy kay Aljur kung sino ang huli niyang nakarelasyon?

“Hmmm… alam nyo naman, e.”

Si Kylie Padilla iyon na isa sa mga bida sa prequel ng Encantadia.

Napapabalitang may relasyon diumano sina Kylie at Julian Trono, although wala pa ring pag-amin mula sa dalawa.

“Hmmm, wala akong masabi dahil hindi ko…

“Ayoko naman, napakaselan niyan po para sa akin.

“Hindi ko naman po alam talaga kung ano ang nangyayari.

“Ang alam ko lang po kay Kylie, meron po siyang bagong trabaho.

“At nakikita ko po siyang masaya sa ginagawa niya.

“At siyempre naging parte na siya ng buhay ko noon, alam ko po yung mga pangarap niya.

"Natutupad na niya ngayon, masayang-masaya po ako sa nangyayari sa kanya.”

May komunikasyon ba sila ni Kylie?

“Nagkikita po kami sa mga events ng GMA.”

Nagkukuwentuhan ba sila?

“Nakakapag-usap naman po kami.”

Pero never daw nilang napag-usapan ang tungkol kay Julian.

FIT FOR ACTING. Kapansin-pansin ang malaking ipinayat ni Aljur nang nakaharap siya ng entertainment media nung gabi ng Huwebes, April 21, sa GMA Network Center sa presscon ng Once Again, ang bagong soap opera nila ni Janine Gutierrez bilang lead stars.

Nagpapayat daw siya para sa teleserye.

“Yes, sinadya ko siya kasi ang age ng character natin is twenty-two.

“A couple of months ago I was big, before binigay sa akin ito [Once Again].

“Medyo may mass tayo kasi pa-summer na.

“Pero as an actor, I respect the craft.

“As much as possible sa abot ng makakaya at kaalaman natin, binibigyan ko ng justice yung character.”

Ang Once Again ay isang kuwento tungkol sa reincarnation kung saan gaganap si Janine bilang si Reign Soriano/Des Javier at si Aljur bilang si Edgar del Mundo/Aldrin Sanchez.  Ipalalabas na ito sa GMA simula sa May 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN