Jake Ejercito reveals reason why he will not vote for Duterte

"I used to think it wouldn't be so bad if Du30 won and even considered voting for him, but he's unfortunately turning into Trump," tweeted Jake Ejercito, on why he will not be voting for Davao Mayor Rodrigo Duterte for president.


Nagbago ang isip ni Jake Ejercito na iboto ang presidential candidate at Davao City mayor na si Rodrigo "Rody" Duterte.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, inihayag ng anak ni Manila Mayor at dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ang dahilan kung bakit hindi na niya iboboto si Duterte.

Aniya, "I used to think it wouldn’t be so bad if Du30 won and even considered voting for him, but he’s unfortunately turning into Trump."

Ang tinutukoy na “Trump” ni Jake ay ang nangungunang Republican presidential candidate sa U.S. na si Donald Trump.

Binansagang “misogynist” ang businessman turned politician na si Trump ng mga kritiko nito dahil sa hilig na magbigay ng “sexist comments” laban sa mga kababaihan at sa naging pamosong pakikipag-alitan nito sa Fox News political commentator na si Megyn Kelly.

Maaaring dito nakikita ni Jake ang pagkakapareho nina Trump at Duterte, na naging kontrobersyal naman kamakailan nang magkuwento tungkol sa rape at kamatayan ng Australian lay missionary na si Jacqueline Hamill.

Watch: VIRAL: Rodrigo Duterte jokes about Australian rape victim

Ang mensahe ni Jake para sa mga botante, "His leadership style may have worked for Davao, but it’s not ideal for a sovereign state. Vote with your head, not with anger or any emotion."

Dagdag na pahayag niya, "This election would've been a no brainer if only Miriam were healthier.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN