Derrick Monasterio reveals struggle in maintaining good image

Derrick Monasterio: "Huwag lang magbago ang lahat, gagawin ko ang best ko. May kanya-kanya naman kaming panahon, e. Maybe, yung time ko, e, ngayon na nagsisimula. I really hope na ma-sustain ang ganito, and I promise naman na pangangalagaan ko ito."


Abot hanggang tenga ang ngiti ni Derrick Monasterio matapos nitong tanggapin ang tropeyo para sa Excellence and Outstanding Achiever 2016 for Arts and Entertainment mula sa Philippine Top Choice, isang pribadong sektor na nagbibigay ng ganitong award taun-taon.

Ang nasabing award ay tinanggap ng Kapuso young actor sa isang seremonya na ginanap sa The Solaire Grand Ballroom, sa Solaire Hotel & Casino, sa Pasay City, noong Sabado, April 23.

Kasama niyang pinarangalan ng parehong award ang kapwa Kapuso talent na si Jazz Ocampo.

Bago ito, katatapos lang i-launch ng kauna-unahang self-titled album ni Derrick noong April 21, na kumumpleto sa kasiyahang nararamdaman niya ngayon.

Pahayag ni Derrick, “Siguro, mga panlimang [awards] ko na ito mula nang mag-start ako mag-artista.

“Hindi rin po alam kung ba't ako ang napili nila.

“Siguro po dahil natutunan ko nang mahalin yung work ko, naging professional ako, in fairness.

“And happy talaga ako, kasi yun ang ibig sabihin ng success—happiness and contentment.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa mismong awards night.

EXPECTATIONS. Ang nakadagdag pa sa kasiyahan niya ay yung alam niyang nagsisilbi siyang inspirasyon sa mga kabataan ngayon, at sa iba pang mga baguhang artista.

Sabi ni Derrick, “Mas maganda na nga yung ganun.

“Hindi ka lamang nanalo ng award, kundi nakaka-inspire ka pa, gagayahin ka nila.

“Importante ito sa akin kasi, kahit papaano, ay may nangyayari talaga sa paghihirap ko.

“Kumbaga, this is just a bonus, at nasusuklian talaga ang mga pinaghirapan ko.

“Pero ang pinaka-success talaga ay yung meron kang napapasayang tao, may nai-entertain ka.”

Pero alam daw ni Derrick na habang tumatanggap siya ng mga ganitong parangal, mas lalong tumataas ang expectations sa kanya ng mga tao.

Saad niya, “Yun nga, e.

“Siyempre nakaka-pressure kasi mahirap mag-stay sa taas, e.

“Mahirap din yung laging good image kasi, yun nga, mataas ang expectations ng tao, at nakaka-pressure talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung isang pagkakamali mo lang, 'Ay, hindi naman pala siya deserving.'

“Pero as much as possible, I'll try as much as I can to sustain may image sa public, yun.”

SEXY IMAGE. Talking about image, marami raw ang naiintriga sa kanyang magazine pictorial sa isang magazine kung saan labas ang kanyang six-pack abs.

Salungat daw ito sa sweet balladeer image na nilikha naman ng kanyang music video sa kanyang GMA Records album.

Ano ang masasabi niya rito?

Nangingiting paliwanag ng 20-year-old actor-singer, “Ewan ko, kasi sabi ko, bawal ako dun [sa ganung pictorial].

“Pero ewan ko, parang change of image din, parang nagpapakita ng aking maturity.

“At saka, bihira naman akong mag-pose ng ganyan, so okey lang.

“Maganda rin yung marami kang mukha, marami kang side.

“Yung puwede kang magpaka-inosente, puwede kang magpa-sexy, yung ganun.

“Kung saang event o kung saan mo kailangan ang image na ganun, hugot ka lang nang hugot.

“Kaya ko naman siguro dalhin both.”

Sa mga kapanabayan niya sa showbiz, mukhang nasa kanya ang atensiyon ngayon. Ano ang pakiramdam niya rito?

Ani Derrick, “Sana magtuluy-tuloy.

“Huwag lang magbago ang lahat, gagawin ko ang best ko.

“May kanya-kanya naman kaming panahon, e.

“Maybe, yung time ko, e, ngayon na nagsisimula.

“I really hope na ma-sustain ang ganito, and I promise naman na pangangalagaan ko ito.

“Salamat naman kung talagang my time has come already.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN