Thea Tolentino respects Jeric Gonzales's silence on his alleged video scandal

Thea Tolentino on Jeric Gonzales: "Noong magkaroon ng issue sa kanya regarding sa sex video, parang nakakagulat. Parang hindi po siya yung tipo na gagawa ng ganun. Pero bilang kaibigan niya, talagang iniiwasan kong mapanood yun... Napakabait na tao ni Jeric kaya ayokong mabago ang pagkakaibigan namin."


Iniiwasan daw mapanood ng Kapuso young actress na si Thea Tolentino ang diumano’y video scandal ng co-winner niya sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break na si Jeric Gonzales.

Ayon kay Thea, nirerespeto niya si Jeric bilang kaibigan at co-actor niya. Ayaw raw niyang may mabago sa pagtingin niya sa aktor.

“Siyempre po, nagulat po ako noong may kumalat na balita tungkol kay Jeric.

“Kilala ko po kasi si Jeric, e. Tahimik lang ‘yan.

“Kaya noong magkaroon ng issue sa kanya regarding sa sex video, parang nakakagulat.

“Parang hindi po siya yung tipo na gagawa ng ganun.

“Pero bilang kaibigan niya, talagang iniiwasan kong mapanood yun.

“May mga gustong magpakita sa akin nung video, pero ayoko po talagang panoorin.

“Respect ko na yun para kay Jeric.

“Napakabait na tao ni Jeric kaya ayokong mabago ang pagkakaibigan namin.”    

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea sa presscon ng upcoming GMA primetime series na Once Again noong nakaraang linggo. Bida rito sina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez.

TOGETHER AGAIN. Pagkatapos ng ilang taon ay magtatambal ulit sina Thea at Jeric sa pamamagitan ng Once Again.

Huli silang nagtambal sa afternoon soap na Pyra, Ang Babaeng Apoy noong 2013. Dalawang taon kasing ginawa ni Thea ang drama series na The Half-Sisters.

Saad ng young actress, “Ngayon lang po talaga kami ulit nagkasama ni Jeric.

“Matagal kaming hindi nagkakausap at nagkikita. Pa-text-text lang kami paminsan-minsan.

“Nagkausap lang kami ulit noong magkaroon ng biglaang reunion yung cast ng Teen Gen.

“E, yun yung time na bigla pong nabalitang may sex video siya na kumalat.

“Pero dumating pa rin si Jeric. Hindi naman po siya umiwas na makita namin siya.

“Hindi lang namin siya tinanong tungkol doon sa sex video.

“Wala naman po kasi sa amin ang may lakas ng loob na tanungin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka ramdam namin na magiging uncomfortable siya kapag pinilit namin siyang sagutin ang tungkol doon.

“Kung may gusto naman siyang sabihin, maiintindihan namin siya.

“Kung gusto niya po na quiet lang siya, walang problema.

“Kaya we all respected yung pagiging tahimik niya at nag-enjoy na lang kaming magkakasama.”

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang, masaya po si Jeric nung kasama namin at parang wala siyang iniisip na mabigat that time.

“Natuwa naman po kami kasi kahit paano ay natulungan namin siyang makalimot sa issue na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN