Derrick Monasterio stuck in sexy image?

Derrick Monasterio is amused by his hunky image. "Parang bonus po 'yan. Nakakatuwa… kasi kailangan kong maging sexy, kailangan kong maging bata."


Isa si Derrick Monasterio sa young actors ngayon na hindi lamang nagtataglay ng magandang mukha, kundi matipuno rin ang pangangatawan.

Hunk ngang masasabi si Derrick kaya sa panghapong teleserye na pinagbibidahan nila ni Bea Binene, ang Hanggang Makita Kang Muli, may mga eksenang naka-topless ang 21-year-old actor.

Tuloy, marami ang nagtaka kung bakit sa music video niya kasama si Sara Polverini, hindi man lang nagpakita ng katawan si Derrick samantalang sa isang rancho ang location ng MTV nila.

“Siyempre, hindi naman all the time magta-topless,” nakangiting sabi ni Derrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

SEXY IMAGE. Bukod sa acting, nakita na ring may talento si Derrick sa pagkanta, pero yung makita siyang topless ang tila inaabangan sa kanya.

Tanggap niya yun?

“E, ano naman po ‘yan, parang bonus po ‘yan.

“Siyempre, kaya ko namang maging teen, kaya ko namang maging bata, kaya ko rin maging sexy.

“Nakakatuwa… kasi kailangan kong maging sexy, kailangan kong maging bata.”

Kinumusta rin namin si Derrick kung sa darating na Cosmopolitan Bachelor Bash, posibleng isa pa rin siya sa mapapanood na rumampa.

Ayon kay Derrick, “Kung cover, rarampa po ako, pero kung hindi, hindi muna.”

LOVE TEAM. Matagal nang nakakapareha ni Derrick si Barbie Forteza, pero tanggap naman ng mga manonood ang love team ni Barbie kay Andre Paras sa That's My Amboy.

Mas naging epektibo raw ang love team nina Barbie at Andre kumpara kina Barbie at Derrick.

Sabi naman ni Derrick, “Well, kung matatandaan niyo, JoshBie [Joshua Dionisio and Barbie Forteza] dati.

“Tapos biglang naging kami, so mas tinanggap kami noon.

“Ngayon, iba na; hindi naman lahat nagla-last.”

Masaya naman daw si Derrick na ang ang panghapong serye nila ni Bea ang isa sa mga sinusubaybayan ng mga Kapuso.

“Sweet naman kami.

“Kapag may mga drama scenes nga po kami, niyayakap niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang comfort, para makaiyak nang maayos kapag nagpi-prepare sa mga mabibigat na eksena.

“Like, may time na walong eksena, puro iyakan, nung pahuli, talagang drain na drain na ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN