Jean Garcia proud lola to her first apo: "Noong una nga, hindi ako ready, pero ngayon, reding-ready na!"

Jean Garcia is the biggest fan of her first grandchild, understandably. More than ever, she is proud of her daughter Jennica and her son-in-law Alwyn Uytingco for building a God-centered family. "Bilib ako sa kanila kasi hands-on sila. At umiikot ang kanilang relationship na ang naghe-head e, ang Panginoon. Tapos hindi mataas ang lifestyle nila, very simple," she beams.


Very proud ang aktres na si Jean Garcia sa kanyang kauna-unahang apo sa anak na si Jennica Garcia at sa asawa nitong si Alwyn Uytingco.
 
“Nakita niyo naman kung gaano ka-kyut ang baby,” pagmamalaki ni Jean nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bago niyang primetime series, ang Once Again, last week.

Kuwento pa ng 46-year-old actress, “Sabi nga ni Jennica, ‘Mama, ang pinaka-konti kong magiging anak, five.’

“Noong una, nag-comment ako, ‘Alam mo, honey, hindi na practical ‘yan. Ang hirap ng buhay, blah, blah, blah.

“‘At saka baka hindi niyo matututukan ang mga bata, ganyan.
 
“‘Mahal na rin ang gastos, unfair naman kung hindi niyo kaya, kawawa naman ang mga bata.’

“E, ka-cute naman ni Mori… parang payag na akong lima, kasi ang ganda ng bata!” natawa niyang sabi.

Sabi pa ni Jean sa pagiging lola, “Noong una nga, hindi ako ready, pero ngayon, reding-ready na!”

Ayon kay Jean, siya raw ang kamukha ng apo niya.
 
“Well, sabi ng family ko, parents ko at si Mama, yung nagpalaki sa akin, totoo naman.

“Nag-send sila sa akin ng picture, kamukha ko raw.”

PICTURE PRETTY. Mula nang manganak si Jennica, tila ngayon lang talaga ito nagpu-post ng larawan ng anak sa social media na kitang-kita na ang mukha nito.


 
Excited na kuwento ni Jean, “Naku, ‘eto na nga, may kuwento ako riyan.

“Kasi sabi ni Jennica, ‘Ma, ayoko namang sabihin nila na idinadamay ko ang anak ko.

“‘So, no posting muna ng picture ni Mori, ha?’
 
“So, ako, pinu-post ko, kalahati, nakatingin dito.
 
“’Eto na, e ‘di ba ang ganda-ganda, ang dami kong pictures!

“One time, sabi ko, ‘eto yung nag-aalaga sa mga anak ko, ‘Naku, Ninang Vera, hindi ko na kaya.

“‘Hindi na baleng magalit sa akin si Jennica at si Alwyn.’

“Sa sobrang ganda ng apo ko, alam mo yung love ng isang lola at pagiging proud ko, kailangan kong ilabas.
 
“I’m sorry, sabihin man nila na lola na ako, may apo na ako, pero kailangan ko talagang ilabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have this beautiful, beautiful angel that I can call my family, di ba?
 
“Sabi ko nga, ‘Proud lola here, so post!’
 
“Kinabukasan, dumating ang Jennica at Alwyn, ‘Mama, bakit mo pinost?’ Pero naka-smile. 

“Sabi ko, ‘I’m really sorry, anong gagawin ko, e, proud ako?

“‘At saka, bakit ba? Ano bang problema, kalimutan niyo na ‘yan.’
 
“Sabi ko, ‘I’m really sorry, kahit magalit kayo sa akin, okey lang.

“‘Hindi ako magagalit sa ‘yo, hindi ako magtatampo. Pero sorry, na-post ko na, e.’”
 
Kinabukasan daw, nag-post na rin sina Jennica at Alwyn ng buong larawan ng anak. 

Ayon pa kay Jean, ngayon daw ay natutuwa sina Jennica at Alwyn dahil nakita nila na nakakapag-share ang apo niya ng Bible sa pamamagitan ng #MoriShares.

It's that time again for #MoriShares ?? Mori Mommy: So my Bambina, what will you share to them today? ?? Mori: Why hello! ???? In the Book of Genesis, I've learned that God created me in his image. No wonder people tell me I'm beautiful when they see me... Its because I look like Jesus! I also learned that God created our cats Bleu and Fleur. ?? He also made the plants that we water every morning and my favorite merienda which is sweet potato and then there's this tree that just keeps on growing infront of our house, God made that too but you know, God whispered something to me. He said, humans are his favorite among all his creations! ?? It makes me so happy that both of us are God's favorite! ?? Now, now... *lowers her voice* Don't tell the cats about this... You know how they get all moody when things don't go their way. *wink* ?? Photograph taken by Tatay @alwynzky

A photo posted by Jennica Garcia-Uytingco (@dearcatlady) on

COOL GRANDMA. May pagkakaiba ba ang pagiging lola sa pagiging ina?

Ayon kay Jean, “Pareho rin, pero feeling ko, mas cool ako ngayon.

“Kasi ang pagdi-disiplina, nasa magulang nila.

“Hindi katulad dati, hindi spoiled ang mga anak ko, e.
 
“Dinidisplina ko, pero ‘eto, ibinibigay ko ang pagdi-disiplina kasi… rights ng magulang yun.”
 
Ipinagmamalaki naman ni Jean sina Jennica at Alwyn sa pagiging mga magulang sa kanilang unang anak.

“Bilib ako sa kanila kasi hands-on sila.

“At umiikot ang kanilang relationship na ang naghe-head, e, ang Panginoon.

“Tapos hindi mataas ang lifestyle nila, very simple.
 
“Wala silang yaya, siya [Jennica] ang naglalaba... totoo ‘yan.

“At saka, hindi lang walang yaya sa bata, ha, walang yaya sa house. 

“Kaya minsan, kapag kailangan nila ng help, nagpapadala ako para mag-general cleaning sa kanila.
 
“Pero yung every day na luto, laba, palaging nakakakabit sa kanya.”

Nami-miss din naman daw ni Jennica ang pag-aartista kahit sobrang hands-on ito sa kanyang buhay-pamilya.
 
“Nami-miss niya, pero for now, priority niya ang pamilya,” saad ni Jean.

Wala bang panghihinayang si Jean bilang nanay sa naudlot na acting career ng anak?
 
“Wala,” mabilis na sagot ni Jean. “Kasi, puwede namang mabigyan ng pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Katulad sa akin, nabigyan ako ng pagkakataon sa Pangako Sa ‘Yo (2000-2002).

“Second chance ko yun, so si Jennica, may second chances.”

LUCKY JENNICA. Malaki ang kaibahan nila ng anak?
 
Pagsang-ayon ni Jean, “Very, very, talaga.

“Mas iba, pero ang nakakatuwa lang, yun din ang ipinagpapasalamat ko sa Panginoon.

“Kasi nandiyan si Alwyn kaya naman Jennica can afford not to work.

“Simple lang ang buhay nila.”
 
Good provider ang manugang niya?
 
“Yes, he is,” sabi ni Jean. “Channel 5 pa rin siya, under contract.

“Nag-aaral siyang magdirek, nag-aaral siya ng photography.

“Masipag si Alwyn at saka simple ang buhay nila.

“Ako, natutuwa talaga ako na si Alwyn ang nakatuluyan ng anak ko.

“No regrets, napakabait ni Alwyn kay Jennica.

“Kapag nakita ko nga ang dalawa, ‘O, anak, ano ba?’

“Naaawa nga kami kay Alwyn kasi lahat ng request… gusto ni Jennica ng organics, lahat, ibibigay niya.

“Pero yung lifestyle nila, very simple.

“Bihirang kumain sa labas, bihirang gumimik.

“Hindi mahilig sa mga signature bags, signature shoes.
 
“Pati si Alwyn, e, ako pa, kapag nag-aabroad ako, binibilhan ko sila.

“Bilhan mo ng Nike si Alwyn, tuwang-tuwa na, kasi more on sa bata talaga sila.

“Kasi yung organic, medyo mahal for the kids.”
 
Pagdating din daw ng apo niya, napansin ni Jean na mas lalo raw naging malapit sa isa’t isa ang pamilya nila.
 
Aniya, “Meron kaming usapan, kapag weekends, sa bahay ko sila. Meron silang kuwarto sa bahay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN