Louise delos Reyes owns up to career misstep: "Marami akong donwnfall nung mga nakaraang taon."

She takes her acting career seriously and hopes she will, but Louise delos Reyes has other plans. She says, "Gusto ko po talaga kasing maging lawyer someday. I also want to build my own family, masyado akong family-oriented."

 


Hindi nagdetalye pero masaya raw ang love life ni Louise delos Reyes.

Sabi ng Kapuso actress, ??Sabi nga po nila, di ba, sa tamang panahon, malalaman po natin ang mga kasagutan.??

Nais ni Louise na gawing pribado ang personal niyang buhay, lalo na ang tungkol sa love life niya.

Pero may mga fans na nais malaman ang estado ng love life niya.

??Siguro in time, when everything??s going fine, na.

??When I have established myself, yung marami na ako sigurong napatunayan.

??That??s the time I will brag about my love life naman.

??Established na, e, hindi na nila sasabihin sa akin na inuuna ko yung? kesa sa trabaho ko.

??Na I have something to brag about, so iyon po.

??Siguro in time, ngayon I??m starting over again. I??m back to lead role, panghapon.

??So I don??t want them na iyon yung una nilang mababasa rather than yung craft ko.??

Ang tinutukoy ni Louise ay ang upcoming afternoon drama series nila ni Juancho Trivino na Magkaibang Mundo.

MISSTEP. May katagalan nga bago nasundan ang pagbibida niya sa Kambal Sirena, hindi ba siya nagtampo sa GMA Network?

Sagot ni Louise, ??Hindi naman po nagtampo, siguro dumating lang ako sa point I have to question myself, where I went wrong.

??Tapos nung na-pinpoint ko kung saan? parang decision that I made.

??Parang iyon yung pinakamaling nangyari, pero wala din naman akong nire-regret, e.

??Dahil parang iyon talaga yung nakatadhana na mangyari and I learned.??

Tungkol ba ito sa love life niya sa nakaraan?

Pag-amin niya, ??Part po, part of po.

??Marami din e like? part of it, part of it.

??Pero more than the love life, marami din akong naging donwnfall nung mga nakaraang taon.

??I have to talagang dissect yung sarili ko, ??Hindi, ito yung dapat mong baguhin. Ito yung dapat mong i-improve sa sarili mo.??

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??So, self-improvement po talaga.

??In order na makuha mo talaga yung gusto mong mangyari sa buhay mo, you have to be disciplined.??

MORE CARING. Maraming mga baguhang bini-buildup ang GMA-7. Sa pakiramdam ba ni Louise ay naghahabol siya ngayon?

Tugon niya, ??Actually, hindi po sa parang nagmamadali or parang catching up.

??It??s more mas ninanamnam ko bawat ibinibigay sa akin? yung bawa??t panahon na ibinibigay nila.

??At iniisip ko kung ano ba yung mga move ko dun sa mga ino-offer or dun sa mga problema na hinaharap ko.

??I think yung mga naranasan ko before, iyon yung nagpalalim sa akin when it comes to decision-making.??

Masasabi ba niyang mas mahusay na siyang aktres ngayon kaysa dati dahil sa mga pinagdaanan niya?

Sagot ni Louise, ??Siguro po, maraming pinaghuhugutan.

??Pero more than the hugot, yung ang sarap lang po sa pakiramdam.

??Na unti-unti nakikita mo yung improvement mo sa sarili mo.

??Na dati hindi ako ganito, pero ngayon natututo na ako.

??Yung mga simpleng bagay na wala akong pakialam before, ngayon meron na akong pakialam.??

LIFE PLANS. Marami pa raw gustong mangyari si Louise sa buhay niya.

Pahayag niya, ??I have plans and dreams, like I want to receive an award. I want to be a Best Actress.

??Pero more than that I also have plans for the future.

??Like, alam ko naman po na artistas come and go.

??Every year meron nalu-launch, every year merong mas batang darating.

??And kung iyon na talaga, tatanggapin ko siya.

??And gusto ko po talaga kasing maging lawyer someday.

??I also want to build my own family, masyado akong family-oriented.

??Pero gusto ko by twenty-eight or by twenty-nine, may family na ako.

??Kasi, parang I want to grow old with my daughter or my son.

??Parang gusto ko na magkasing-linya pa rin kami.??

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magtu-twenty four na si Louise sa September.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN