Marian Rivera understands Bianca Gonzalez for answering bashers of her daughter

"Grabe 'yang mga bashers. Kaya nga tinawag silang mga bashers kasi mga duwag sila. Nagpapanggap sila sa likod ng mga pangalan na hindi nila pangalan," says Marian Rivera, who prefers not to give any attention to Internet trolls.


Bagamat lumabas na sa TV commercial at sa cover ng YES! magazine, nilinaw ni Marian Rivera na limitado pa rin ang pagiging exposed ng cute na anak nila ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia.

Natanong kasi ang Kapuso Primetime Queen kung sa kanyang bagong morning talk show na Yan ang Morning! unang makikita ng publiko sa TV si Baby Zia.

Hindi,” bahagyang umiling si Marian.

Paliwanag niya, “Ayaw ko naman ipagdamot bilang parehas naman kami ni Dong na artista, so ayaw ko naman ipagdamot.

Noong buntis ako, nagse-share naman ako ng pictures. Noong nanganak ako, nagse-share ako.

Pero sa Instagram ko, makikita nila na not every day ako nagpu-post, siguro sa mas si Dong pa.

Okay na yun. Oo, madamot ako, keri na 'yon.”

Pero nang muling tanungin kung may pagkakataong makita si Baby Zia para sa Mother's Day episode ng Yan ang Morning, sabi ni Marian, “Malay natin. Mommy nga ni Dong nag-guest, e.”

Halos ganito rin ang mga naging sagot ng Kapuso actress-TV host nang makapanayam siya ng ilang reporters matapos ang press conference para sa Yan ang Morning! ngayong Huwebes, April 28.

BASHERS GETTING WORSE. Samantala, nakarating daw kay Marian ang ginagawang pangungutya ng ilang bashers sa anak ng kaibigan niyang si Bianca Gonzalez, si Baby Lucia, sa social media.

Read: Bianca Gonzalez defends daughter Lucia from bashers

Aniya, “Nag-uusap nga kami ni Bianca Gonzalez, e, kasi grabe rin talaga.

Sabi ko nga, grabe itong mga taong ito.”

Sa kanyang parte, hindi naman daw ikinababahala ni Marian na maranasan niya ang naranasan ng kaibigan at kapwa celebrity mom na si Bianca.

Aniya, “Grabe 'yang mga bashers. Kaya nga tinawag silang mga bashers kasi mga duwag sila.

Nagpapanggap sila sa likod ng mga pangalan na hindi nila pangalan.

“Hindi namin dini-discuss yung mga bashers, mga haters na 'yan, bahala sila sa buhay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never akong sumagot sa mga ganyan sa akin.

Kung magpapakilala sila sa totoong pangalan nila, baka puwede pa.”

Pero naiintindihan naman daw ni Marian ang mga kapwa celebrity na hindi mapigilang sumagot sa mga basher.

Katuwiran niya, “Tao lang naman lahat ng tao.

“Siyempre, may mga limitations din, may mga bagay na talagang magtitimpi ka at talagang masasaktan ka.

Pero wala, e, ang importante siguro is kung gaano katatag at depende sa pag-uusap ng mga nakapaligid sa 'yo.

Kasi, kung iintindihin mo, masisira siguro ang ulo mo.”

Aminado si Marian na kahit gustuhin, mahirap para sa kanila ni Dingdong na gawing pribado ang buhay ng kanilang anak.

Paano naman namin gagawing private ang buhay namin, e, parehas kaming mag-asawang nasa showbiz.

Kaya nga siguro hangga't maaari ay limited lang ang ipinapakita namin na mga pictures ni Zia.

Pero hindi naman sa nagdadamot kami kasi kahit papaano, sine-share pa rin namin,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN