Maine Mendoza reportedly cried after 'hipuan' incident

Fans of Maine Mendoza got worried after the actress was allegedly seen crying after being mobbed by fans who wanted to get near her during the "Sugod Bahay" segment of Eat Bulaga! on Wednesday, April 27.


Nahipuan at nakurot umano si Maine Mendoza kung kaya’t umiyak ito pagkatapos ng "Sugod Bahay" segment ng Eat Bulaga! noong Miyerkules, April 27, 2016.

Ito ay kung pagbabasehan ang posts at comments ng fans ng phenomenal star sa social media.

Sa isang social media account ng fans club ng AlDub, love team nina Alden Richards at Maine, ipinost ang isang statement na nagsasabing maayos na ang lagay ni Maine matapos ang pangyayari.

Sisikapin din daw ng mga kinauukulan na hindi na ito mangyayari ulit.

Galing umano ang pahayag na ito mula sa reliable source sa kampo ni Maine.

Bunsod nito, marami ang nag-alala at nagtanong kung ano ang nangyari kay Maine.

May mga fans na sumagot at sinabing naiyak nga raw ang dalaga dahil nahipuan at nakurot sa dami ng taong gustong makalapit sa kanya, habang isinasagawa ang "Sugod Bahay" segment ng noontime show.

May ilang netiziens namang nagsabi na hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ito kay Maine.

Bunsod nito, may mga fans na nagmungkahi na magdagdag ng mga female security upang lalong maprotektahan si Maine sa tuwing dudumugin ng fans.

Meron din namang netizen na nagkomento na kahit may security ang dalaga, mahirap mag-crowd control at hindi maiiwasan na magkaroon ng ganitong insidente sa dami ng fans.

Sinikap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag ang manager at ang management ni Maine tungkol sa pangyayari, subalit wala pa silang inilalabas na statement habang isinusulat ang report na ito.

Bukas ang PEP sa pahayag ng panig ng actress-TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN