Gerald Anderson on rekindling feelings for Bea Alonzo: "Para naman sa akin, never naman nawala."

Gerald Anderson on bashers: "Sa ten years ko sa showbiz, never akong nawalan ng bashers, never. So, sa next ten years ko, never siyang mawawala."


Sa unang beses ay pagtatambalin ng Star Cinema sa isang pelikula ang dating magkasintahan na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Anim na taon na ang nakalilipas nang maugnay ang dalawang Kapamilya stars.

Naantala lang ang palalim na sanang espesyal na relasyon nila dahil diumano sa mga pagbabantang tinanggap ni Bea mula sa fans ng tambalan nina Gerald at Kim Chiu o ang Kimerald.

Sa story conference ng pelikula noong Myerkules, April 27, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktor kung may posibilidad bang ma-rekindle ang spark sa kanila ni Bea.

Sagot ng Kapamilya actor, “Para naman sa akin, never naman nawala.

“Never namang nawala... tingnan mo naman siya, lagi siyang may spark.

Pero ma-develop din kaya sila ulit habang ginagawa nila ang pelikula?

Ayon kay Gerald, “Develop? Masyado tayong tumatalon, lumalayo na tayo. Mag-day by day muna tayo.”
  
Ang sinisiguro ng aktor ay ibang Bea ang makikita sa pelikulang pagtatambalan nila.
     
“Ibang flavor ang aabangan ninyo kay Bea...
    
“Very exciting, siyempre she’s the best.

“It’s great to work with the best, ang dami kong matututunan.
  
“It’s a different kind of movie kahit sa akin, marami ring questions si Bea.

“Differences of mahal mo ang isang tao pero at the same time, naiinis ka rin sa kanya.

“It’s very relatable. Lahat ng tao, makaka-relate dito.

“Pag na-in love ka, makaka-relate ka. Pag hindi ka pa nai-in love, panoorin mo pa rin, please.”

Hindi naman nag-aalala si Gerald sa mga intriga at batikos na posibleng dumating sa kanilang dalawa ni Bea dahil sa pelikula.

Sabi niya, “Sa ten years ko sa showbiz, never akong nawalan ng bashers, never.

“So, sa next ten years ko, never siyang mawawala.

“Ganun talaga... hindi naman prepared, but it’s gonna come up no matter, kahit na ano ang mangyari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang teleserye rin ang sisimulang gawin ni Gerald kung saan makakasama niya ang kaibigang si Jake Cuenca.
  
“Yeah, medyo mahihirapan kasi medyo pisikal yung show na yun, but excited ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN